Hindi napigilan ni Kapamilya TV host-vlogger na si Bianca Gonzalez na hindi patulan ang isang basher na nagkomento sa isa sa kaniyang vlogs, na wala raw nanonood sa kaniya.
"Walang views ang mga vlogs niya," komento ng basher sa comment section ng kaniyang vlog.
Tinalakan naman ni Bianca ang naturang basher.
"May problema ka sa 2,300 na nanood nitong video? Paki-explain naman sa akin ng comment mo."
Ibinahagi naman ni Bianca ang screenshot nito sa kaniyang tweet nitong Miyerkules, Oktubre 26.
"Pa-isa nga lang. Dahil hot topic din naman ngayon ang YouTube, engagement at views. I often get this comment meant to insult or bash me: 'Ay, walang views ang vlog niya,'" ani Bianca.
"Let me get one thing clear: iba-iba ng rason ang tao to create content on YouTube."
Ipinaliwanag ni Bianca na wala umano sa "quantity" ng views ang purpose ng isang content kundi sa "quality" nito.
"Some create content on YouTube as a full-time career, some as a creative outlet, some as a form of self-expression, and some, like me, create content to reach out to others and help. Iba-iba ng purpose ng tao sa YouTube and before starting a channel, that should be clear to you."
"From the start, ang #PaanoBaTo ay para makatulong sa problema't pinagdadaanan ng tao, to know they are not alone and to know that they will get through it, by sharing stories that inspire and empower."
"Grateful for brands who share the same vision and partner with me for content."
"Ngayon. Kung sa 2,300 na nanood ng video, may 1 o 5 o 10, o kahit 20 na gumaan ang bigat na nararamdaman, nabigyan ng idea on how to handle their problem, o na-inspire makagawa ng solusyon sa pinagdadaanan nila, THAT to me is success. That makes my work fulfilling and rewarding."
"While it would be great for everyone on YouTube to have millions of views, that is not the reality."
"I don't measure my worth as a person with the number of views, subscribers, likes or comments I get. My goal with #PaanoBaTo is to empower people to get through tough times."
"For me, with every video, 2,000 views man yan o 50,000, if there are people who are inspired to go on and keep pushing, that is a huge WIN for me."
"The letters I get from people who say my guest's story inspired them to pursue this, or pushed them to try again, that is priceless."
"So the next time you think of commenting, 'Ay, walang views' on people's pages: 1. Did it make you feel good to do that? Happy? If yes, you have issues you need to sort sa sarili mo. 2. Are you just doing it to poke fun? If yes, please do something more productive sa time mo."
"And to the content creator with a few hundred or few thousand views, go back to the reason WHY you started your channel. What's your goal? What's the purpose of your videos?"
"As long as that is clear to you, then other's comments that have nothing to do with that is just noise."
"Thanks for coming to my TED Talk 😂," hirit na lamang ni Bianca sa dulo.
Matatandaang nitong Oktubre 23 ay nagkabardagulan sina Wilbert Tolentino at Zeinab Harake sa social media, kung saan nadamay na rin ang iba pang mga vloggers sa bansa.
Napag-usapan pa ang pagkakaiba sa "market value" ng mga vloggers na naging celebrity sa showbiz, at ang mga celebrity sa showbiz na naging vloggers na rin, kagaya na lamang nina Robi Domingo, Sanya Lopez, Jelai Andres, Ivana Alawi, at Alex Gonzaga.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/24/walang-market-robi-domingo-nagsalita-na-sa-sinabi-umano-ni-zeinab-tungkol-sa-kaniya/">https://balita.net.ph/2022/10/24/walang-market-robi-domingo-nagsalita-na-sa-sinabi-umano-ni-zeinab-tungkol-sa-kaniya/
Nasabihan umano ni Zeinab si Robi na 'wag makipag-collab dito dahil "walang market"; si Alex Gonzaga naman daw ay wala sa hulog kausap, at si Jelai naman daw, na kaibigan ni Z, ay "pinakasabaw" sa kanilang lahat.
Humingi na ng tawad si Zeinab sa vloggers at celebrity na nadawit sa isyu.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/25/walang-palusot-zeinab-harake-humingi-ng-dispensa-sa-kapwa-vloggers-celebs-followers/">https://balita.net.ph/2022/10/25/walang-palusot-zeinab-harake-humingi-ng-dispensa-sa-kapwa-vloggers-celebs-followers/