Masaya ang puso ng isa sa mga bida ng trending at patok na seryeng "Maria Clara at Ibarra" na si Barbie Forteza dahil sa tagumpay at mga papuring natatamasa niya at ng kanilang show, na hango sa walang kamatayang nobela ng pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal, na "Noli Me Tangere".

Bagama't matagal nang bumibida si Barbie sa iba't ibang Kapuso teleserye, ang MCAI ay isa sa mga proyektong nagpa-labas sa kaniyang angking-husay sa comedy at drama.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/04/barbie-forteza-trending-pinuri-ang-akting-sa-maria-clara-at-ibarra/">https://balita.net.ph/2022/10/04/barbie-forteza-trending-pinuri-ang-akting-sa-maria-clara-at-ibarra/

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/17/napakahusay-pagganap-ni-barbie-forteza-sa-maria-clara-at-ibarra-puring-puri-ni-ogie-diaz/">https://balita.net.ph/2022/10/17/napakahusay-pagganap-ni-barbie-forteza-sa-maria-clara-at-ibarra-puring-puri-ni-ogie-diaz/

National

5.9-magnitude na lindol, yumanig sa Southern Leyte; Aftershocks at pinsala, asahan!

Kaya naman, walang pagsidlan ang galak sa puso ni "Klay" nang bansagan siyang "Brightest TV Star of the Season" ng isang digital newspaper.

"Wow! 🤩🥺🙏🏻 Ang saya ng puso ko! ❤️ Thank you so much po!" ayon sa tweet ni Barbie.

https://twitter.com/dealwithBARBIE/status/1582360591447957505

Bagama't sa totoong buhay ay may "Jak Roberto" na siya, kinakikiligan naman ng mga netizen ang tambalan nila ni David Licauco sa MCAI. Si David ay gumaganap bilang "Fidel" na kaibigan ni "Crisostomo Ibarra", na ginagampanan naman ni Dennis Trillo.

Bukod dito, may ilan ding nagshi-ship sa karakter ni Barbie kay Ibarra kaya nabuo rin ang #KlayBarra, bagay na umani naman ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

Paglilinaw naman ng GMA headwriter na si Suzette Doctolero, hindi umano mauuwi sa "kabitan" ang naturang serye.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/26/maria-clara-at-ibarra-baka-raw-mauwi-sa-kabitan-dahil-sa-shipping-suzette-doctolero-pumalag/">https://balita.net.ph/2022/10/26/maria-clara-at-ibarra-baka-raw-mauwi-sa-kabitan-dahil-sa-shipping-suzette-doctolero-pumalag/