Isinailalim na sa Signal No. 1 ang Eastern at Northern Samar dahil na rin sa bagyong Paeng na kumikilos na sa bahagi ng Philippine Sea, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa weather bulletin ng PAGASA, apektado na ng bagyo ang northern portion ng Eastern Samar at ang eastern portion ng Northern Samar.

Huling namataan ang bagyo 660 kilometro silangan ng Borongan City, Eastern Samar, dala ang hanging 55 kilometer per hour (kph) at bugsong hanggang 70 kph.

Sinabi ng ahensya, kumikilos ang bagyo pa-kanluran hilagang kanluran sa bilis na 10 kph.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

Babala ng PAGASA, makararanas ng malakas na hangin sa mga natukoy na lugar sa susunod na 36 oras.

Sa pagtaya ng ahensya, babayuhin ng bagyo ang Aurora sa Linggo.

Dahil nasa karagatan pa ang bagyo, mararamdaman muna ang trough o extension nito at shear line na magdudulot ng matinding pag-ulan sa Visayas, malaking bahagi ng Southern Luzon, at sa northern at western portions ng Mindanao.