Tuluyan nang sinibak sa serbisyo ang anim na pulis na umano'y sangkot sa 'huli-dap' incident sa Caloocan pitong buwan na ang nakararaan.

Inilabas ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang dismissal order laban kina Police Corporals Noel Espejo Sison, Rommel Toribio, Ryan Sammy Gomez Mateo, Jake Barcenilla Rosima, Mark Christian Abarca Cabanilla, at Daryl Calija Sablay, pawang nakatalaga sa Caloocan City Police-Drug Enforcement Unit (DEU).

Sa pahayag ng NCRPO, napatunayang nagkasala ang mga pulis sa reklamong grave misconduct and conduct unbecoming of a police officer.

Binigyang-diin naman ni NCRPO chief Police Brigadier General Jonnel Estomo, tuloy pa rin ang kampanya nila laban sa mga tiwaling pulis sa Metro Manila at ang kaso ng anim na pulis ay magsisilbing babala sa mga alagad ng batas.

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

Nag-ugat ang kaso sa reklamo ng vendor na si Eddie Yuson na nagsabing bibili lang sana siya ng pagkain ng kanyang pamilya nang harangin ito ng anim na pulis.

Bago aniya tangayin ang kanyang ₱14,000 na mula sa nakuha niyang ayuda ng pamahalaan, binugbog pa siya ng mga pulis na tumugma naman sa nahagip ng closed-circuit television (CCTV) camera sa lugar na pinangyarihan ng insidente.

Isinampa ni Yuson ang kaso nitong Abril at matapos ang dalawang buwan ay inirekomenda ng Philippine National Police-Internal Affaiairs Service (PNP-IAS) na tanggalin na sa serbisyo ang anim na pulis.