Lumawak ang mga lugar na isinailalim sa Signal No. 1 sa bagyong Paeng.
Sa abiso ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), kabilang sa mga ito ang Catanduanes, eastern portion ng Albay (Rapu-Rapu), eastern portion ng Sorsogon (Prieto Diaz, Gubat, Barcelona, Bulusan, Santa Magdalena, Irosin, Juban, Casiguran, City of Sorsogon), Eastern Samar, Northern Samar at Samar.
Babala ng PAGASA, lalakas pa ang bagyo sa susunod na 24 oras.
“The occurrence of rapid intensification in the next 72 hours is not ruled out,” ayon sa ahensya.
Huling namataan ang bagyo540 kilometers silangan ng Borongan City, Eastern Samar, taglay ang hanging 65 kilometer per hour (kph) at bugsong hanggang 80 kph.
Anang ahensya, kumikilos pa rin ang bagyo pa-hilagang kanluran sa bilis na 10 kph.
Makararanas pa rin ng katamtaman hanggang matinding pag-ulan saBicol Region at Eastern Visayas hanggang Biyernes ng gabi habang makararanas naman ng ambon hanggang sa katamtaman at paminsan-minsang malakas na pag-ulan saMIMAROPA, BARMM, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Caraga, Quezon, Cagayan, Isabela, Apayao, Aurora, at sa Visayas.
Inaasahan naman ang matinding pag-ulan saBicol Region, Northern Samar, and Quezon mula Biyernes ng gabi hanggang Sabado.
Maapektuhan din ng trough o extension ng bagyo angMetro Manila, Western Visayas, Aurora, Bulacan, Mindoro Provinces, Marinduque, Romblon, eastern portions ng Cagayan at Isabela, natitirang bahagi ng Eastern Visayas, at CALABARZON.