Tanggapin at gamitin sa pagbabayad ang mga coins sa bansa, ayon sa panawagan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) nitong Miyerkules.

Pagdidiin ng BSP, ang mga barya na nasa sirkulasyon ay kabilang sa salaping umiiral sa Pilipinas na maaaring tanggapin at ibayad sa mga pangunahing bilihin at serbisyo.

"All denominations of the BSP Coin Series and the New Generation Currency Coin Series are legal tender and can be used as payment for goods and services," sabi ng BSP.

"Under BSP circular No. 573, Series of 2006,₱1,₱5 and₱10 coins can be used as payment for amounts not exceeding₱1,000 while the₱.25 coin and those of lower denomination for amounts not exceeding₱100," pahayag ng BSP.

Sinabi ng BSP, binabago pa nila ang hugis ng₱20, ang pinakamataas na barya sa bansa, bago ito ikalat.

Umapela ang BSP na gamitin ang mga nasabing barya upang umikot upang hindi magkaroon ng artipisyal na kakulangan ng mga ito.

Pinayuhan din ng BSP ang publiko huwag ipunin ang mga barya at sa halip ay iimpok ito sa bangko o gamitin sa pagbabayad.