Naniniwala ang dating senador na si Leila De Lima na talamak ang korapsyon sa correctional system sa bansa, ayon sa kaniyang latest tweet nitong Martes, Oktubre 25.

Aniya, kailangan nang sugpuin ang korapsyon sa loob ng Bureau of Corrections at New Bilibid Prison, matapos ang mga naganap sa middleman ng pagpaslang sa journalist na si Percy Lapid.

"Huwag na sana nilang ginugulo ang imbestigasyon sa pagpaslang kay Percy Lapid ng mga usapin sa death penalty. Knee-jerk reaction na naman ito at DIVERSIONARY," ayon sa tweet ni De Lima.

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

https://twitter.com/AttyLeiladeLima/status/1584810530254225409

"Let the probers focus on identifying the mastermind. May kinalaman ba yung suspended BuCor chief sa krimen na ito?"

"Stop wasting precious time & resources in obsessing on my conviction thru the use of inmate-witnesses who have all the incentive to lie and make up stories about my alleged involvement in the illegal drug trade. Coddling them only worsens the deeply-entrenched ills besetting NBP."

https://twitter.com/AttyLeiladeLima/status/1584841660332408833

"Ang tunay na solusyon sa mga kabulukan sa ating correctional system ay ang seryosong pagsugpo sa korapsyon sa BuCor/NBP at iba pang mga kulungan," aniya pa.

https://twitter.com/AttyLeiladeLima/status/1584841658952450048

Hindi nakaligtas ang broadcaster-komentaristang si Percy Lapid matapos umanong pagbabarilin hanggang sa mamatay, habang nasa loob ng kaniyang kotse sa Las Piñas City, bandang 8:30 ng gabi, Oktubre 3.

Napaslang naman ang middleman na umano'y magiging saksi sana at makapagtuturo kung sino ang mastermind sa likod ng pamamaslang sa journalist.