Mailap pa rin sa Pilipinas ang korona ng Miss Grand International matapos ang Top 20 finish ng pambato ng bansa na si Roberta Tamondong, Martes ng gabi, Oktubre 25, 2022 sa Sentul International Convention Center sa Indonesia.

Sa kabila ng pagkabigo ng Pilipinas na masungkit ang unang MGI crown, top trending topic sa social media ang hashtag #RobertaTamondong kasabay ng mga panawagang sumali sanang muli ang 20 anyos na beauty queen sa ibang pageant.

Screengrab mula s Twitter

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Kabilang sa mga nagpakita ng suporta ay ang Miss Universe Philippines 2014 MJ Lastimosa na lumipad pa ng Indonesia para manood ng laban ni Roberta.

"Berta nak pag nag miss u ka lilipad din ako,’ saad ni MJ.

First runner-up finish ang pinakamataas na pwesto ng Pilipinas sa MGI. Taong 2016 nang halos masungkit ni Nicole Cordoves ang unang gintong korona para sa Pilipinas na sinundan naman ni Samantha Bernardo noong 2020, na nagtapos din sa parehong pwesto.

Sa pagtatapos ng patimpalak, kinoronohan si Isabella Menin ng Brazil bilang Miss Grand International 2022, kasabay ng ika-sampung anibersaryo ng Thailand-based pageant.