Isang taga-Metro Manila na naman ang naging instant milyonaryo matapos na mapanalunan ang mahigit sa P24.6 milyong jackpot prize ng Lotto 6/42 ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Martes ng gabi.

Sa inilabas na advisory ng PCSO nitong Miyerkules, nabatid na matagumpay na nahulaan ng lucky bettor ang six-digit winning combination na 28-10-30-08-01-16 ng Lotto 6/42 kaya’t naiuwi nito ang total jackpot prize na P24,684,429.

Nabili umano ng lucky winner ang kanyang lucky ticket sa Pasig City.

Upang makubra naman ang kanyang napanalunan, pinayuhan ng PCSO ang masuwerteng mananaya na magtungo sa PCSO main office sa Mandaluyong City at ipakita ang kanyang winning ticket at dalawang identification cards.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Nagpaalala rin ang PCSO sa publiko na ang lotto winnings na mahigit sa P10,000 ay kakaltasan ng 20%buwis sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion law.

Ang mga premyo naman anilang hindi makukubra sa loob ng isang taon ay ipo-forfeit ng PCSO at mapupunta na sa kawanggawa.

Ang Lotto 6/42 ay binubola tuwing Martes, Huwebes at Sabado.

Kaugnay nito, muli namang hinikayat ni PCSO Vice Chairperson at General Manager Melquiades ‘Mel’ Robles ang publiko na tangkilikin ang kanilang mga palaro, partikular na ang lotto, upang sa halagang P20 lamang ay magkaroon na ng pagkakataong maging susunod na milyonaryo at makatulong pa sa kawanggawa.