Nasa trending list ng Twitter ang "Noli" o Noli Me Tangere dahil sa pagpalag ng ilang mga netizen at avid viewers ng patok at pinag-uusapang teleserye ng GMA Network ngayon---ang "Maria Clara at Ibarra", dahil sa "shipping" o paghimok na pagtambalin ang mga karakter nina Barbie Forteza bilang "Klay" at Dennis Trillo bilang "Crisostomo Ibarra" sa kuwento.

Dahil sa shipping na ito, nabuo ang hashtag na #KlayBarra.

"YUNG ABANGAN?!?!?!?! LALAYAG NA BA ANG #KLAYBARRA?!?!! Thank you for watching #MariaClaraAtIbarra #MCIHopiangDiMabili with us, mga Kapuso!!!" saad sa caption ng opisyal na Twitter account ng GMA Drama.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

https://twitter.com/GMADrama/status/1584890131390943232

Ang concern ng mga netizen, baka raw mauwi sa "kabitan" ang naturang serye, lalo't alam naman ng lahat ang nakalulungkot na pagwawakas ng nobela. Sa kaka-shipping at tambalang ito ay baka mawala na raw ang essence ng serye.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng mga netizen:

"Sa kabitan din ba to tutuloy? choz…"

"Shuta ayusin mo desisyon mo GMA plsss no to klaybarra beh ha ano saysay kung maiiba kwento."

"Klaybarra shipper ako pero sana huwag nyung isama ang shipping discourse sa marketing strategy nyu. 😭 Coz na-oovershadow yung essence ng show. Hayaan nyu kming fans mag bardagaulan in-fandom. Space na namen kase yun. Focus lang sa show nyu, kagaya ng dateh."

"Here me out guys, parang ang mangyayari dito ay multiple heartaches kasi dalawang unrequited love at isang tragic ending. Si Fidel magkakagusto siya kay Klay. Pero si Klay, maiinlove kay Ibarra. Pero si Ibarra, si Maria Clara lang talaga ang iibigin+."

"WHO EVEN STARTED THIS KLAYBARRA LIKE BRO!!!!! IBARRA IS HEAD OVER HEELS IN LOVE WITH MARIA CLARA & VICE VERSA. TF! NO WAY PLS..OG MC x Ibarra ALL THE WAY!"

"GMA destroying crisostomo ibarra’s image of faithfulness and loyalty. 💀 if u gonna do that, u shouldn’t have touched noli and went on with a hisfic time traveling story of your own. noli has so many symbolisms that are too SACRED to be distorted. #MariaClarraatIbarra."

"I just hope that in the middle of the kilig that we get from the main couples here, everyone still gets the message and the main plot of Noli."

Samantala, pumalag at nagpaliwanag naman ang GMA headwriter nitong si Suzette Doctolero. Aniya, masyado na raw kasing nasasanay na manood ng "kabitan" serye ang mga manonood kaya tila masyadong advance mag-isip.

"This is a reimagined version. Tao si Klay, di bato, may isip siya, may puso. Siya ang bida ng kwentong ito, POV niya ang MCAI. May nakilala siyang isang lalaki na ideal. Bawal magka-crush?? Magiging sila ba? Nag-sex ba?? Kakapanood ninyo yan ng kabitan kaya praning. LOLS," ani Doctolero sa kaniyang tweet nitong Oktubre 26.

https://twitter.com/SuziDoctolero/status/1584991283613171712

At nagpaliwanag pa ang headwriter, "We are exploring, let us explore. Ako nga mahal ko si Ibarra for the kind of man he is, di ko pa namemeet, si Klay pa ba? Mahal niya rin sina Crispin at Basilio, si Sisa. Bawal magmahal? She needs to love them and own them or else lagi yan gagawa ng paraan para lumayas sa Noli."

https://twitter.com/SuziDoctolero/status/1584993034684739584

"Sa klase rin ng idealism na mayroon si Ibarra, do you think magiging cheater siya? Come on. Hindi ito kabitan soap! Pero may emosyon dito. Kung kaming writers ay need lumabas lagi sa kahon, ganun rin ang ibang audience. Good morning!"

https://twitter.com/SuziDoctolero/status/1584993937206697984

"Sa totoo lang, kung pwede lang ipush pa: hindi malayo na maimpress o magkagusto rin si Ibarra kay Klay. Goal oriented si Klay like him, matalino, she is fiery, outspoken, and a good person. Pwede siya mafall. Match nya e. But are we going there?"

https://twitter.com/SuziDoctolero/status/1584995549304213504

"Personally, ayaw ko sa mga cheaters. They are evil people. Who makes a choice to lie, betray and hurt other people kungdi ba naman evil? 🤣Char! So kalma, and enjoy the show. Ayan, napapa hugot tuloy ako. Lols," giit pa ni Doctolero.

https://twitter.com/SuziDoctolero/status/1585001944875438080