Iniulat ng Department of Health (DOH) nitong Miyerkules na tumaas ng 270% ang naitatalang bilang ng mga nagkasakit ng cholera sa bansa ngayong taong ito, at sa naturang bilang, 37 pasyente ang binawian ng buhay.

Base sa National Cholera Surveillance Data na inilabas ng DOH, nabatid na mula Enero 1 hanggang Oktubre 8, 2022 ay nakapagtala na sila ng 3,980 kaso ng cholera sa bansa.

Mas mataas anila ito ng 270% kumpara sa mga naiulat na kaso sa kahalintulad na petsa noong nakaraang taon na nasa 1,077 lamang.

Ayon sa DOH, sa naturang bilang, 37 ang namatay o mayroong Case Fatality Rate (CFR) na 1%.

National

Ilang araw bago ang New Year: Bilang ng mga naputukan, pumalo na sa 69

Nabatid na noong Enero, isa ang naitalang namatay sa sakit; apat noong Pebrero; tig-lima noong Marso at Abril; dalawa noong Mayo at Hunyo; tatlo noong Hulyo; siyam noong Agosto at anim naman noong Setyembre.

Pinakamarami anilang naitalang kaso ng cholera sa Region VIII na may 2,678 kaso o 67%; Region XI na may 441 (11%) at Caraga na may 289 (7%).

Mula naman anila noong Setyembre 11 hanggang Oktubre 8, 2022, mayroong 245 kaso ang naitala sa bansa.

Pinakaraming naitalang kaso sa Region VIII na may 147 (60%); Region VI na may 51 (21%) at Region V na may 26 (11%).

Basahin: 2 patay, 24 isinugod sa ospital sa biglaang pagsirit ng kaso ng diarrhea sa Tacloban City – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Regions III, VI, at National Capital Region (NCR) naman anila ay lumampas na sa epidemic threshold noong Setyembre 11 hanggang Oktubre 8, 2022.

“With this, the DOH continues to strengthen holistic public health strategies, ensuring healthy environments, particularly through the implementation of the healthy settings strategy, and well-capacitated communities to address common diseases, especially since there are recent reports of increasing numbers of notifiable diseases such as cholera, which are primarily driven by environmental factors,” ayon pa sa DOH.

"Moreover, the DOH has also released advisories on social media, to help the public make informed decisions to avoid getting these diseases," dagdag nito.