Isa sanapinsala ng 6.7-magnitude na lindol nitong Martes ng gabi, angNuestra Senora de la Paz Parish Church-Iglesia Filipina Independiente sa Poblacion, La Paz, Abra, isa sa pinakalumang simbahan sa Pilipinas.
Naiulat na malaking bahagi ng nasabing simbahan ang napinsa. Ang naturang simbahan ay itinayo pa noong 1889 na panahon pa ng pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas.
Bukod dito, napinsala rin ng pagyanig angMariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center sa Ilocos Norte.
Dakong 10:59 ng gabi ng Martes nang maramdaman ang lindol pitong kilometro hilagang kanluran ng Tineg, Abra, tatlong buwan matapos tamaan ng 7.0-magnitude na pagyanig ang lalawigan.
Tectonic ang pina
Sinabi pa ng Phivolcs, ang naramdamang tectonic 6.4-magnitude sa Abra ay ikalawa na sa pinakamalakas na lindol na tumama sa lugar.
Kaugnay nito, aabot na rin sa 368 na aftershocks ang naramdaman ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) hanggang nitong Miyerkules dakong 6:00 ng umaga.
Nasa 46 sa nasabing pagyanig ang 'plotted' o natukoy ng ahensya.