Pinagtibay ng House Committee on Agriculture and Food nitong Martes ang panukalang batas o House Bill 43377 na nagdedeklara sa lalawigan ng Ilocos Norte bilang "garlic capital of the Philippines."

Sa explanatory note, sinabi ng may-akda na si Rep. Angelo Marcos Barba (2nd District, Ilocos Norte), na ito aymagsisilbinginspirasyon upang mapalakas ang produksyon ng bawang sa bansa at masiguro ang competitiveness nito, lalo sa pandaigdigang merkado.

“Ilocos Norte has maintained its rank as the top producing province in the country contributing 55.7 percent or 4,161 metric tons to the national aggregates,” ayon kay Barba.

Sinabi naman ni Committee chairperson Rep. Wilfrido Mark Enverga (1st District, Quezon) na may gayon ding panukala ang naipasa na sa pangatlo at pinal na pagbasa noong 18th Congress.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

Nasa 72 porsyento ng garlic production ay mula sa nasabing lalawigan, ayon na rin sa Department of Agriculture.