Nais ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na matukoy ng mga awtoridad kung sino ang nasa likod ng pagpatay kay hard-hitting broadcaster Percival "Percy Lapid" Mabasa.

Ito ay kasabay na rin ng pagdududa ng Pangulo sa kinalabasan ng paunang awtopsiya ng National Bureau of Investigation (NBI) sa labi ng umano'y "middleman" na si Crisanto Villamor, Jr. o Jun Crisanto.

Namatay si Villamor apat na oras matapos iharap ng mga awtoridad sa publiko si self-confessed gunman Joel Escorial nitong Oktubre 18.

Si Villamor ang itinuturo ni Escorial na nag-utos sa grupo nito na paslangin si Mabasa.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

"The toxicology report came back and mukha talagang walang lason o walang gamot na ibinigay doon sa namatay. I'm still not satisfied that it was natural causes," banggit ni Marcos sa panayam ng mga mamamahayag.

"There are ways to kill a person that do not show up in the medico legal, so tuloy-tuloy pa ang imbestigasyon," aniya.

Inanim nito sa mga mamamahayag na sinusubaybayan niya ang kaso.

"Well, I have to… I have been monitoring --- I talked to DOJ Secretary Remulla and DILG Secretary Abalos, three, four, five times a day, and each time we talk about this," sabi ng punong ehekutibo.

"We do not have any particular directives. The police know what to do. I’ll just get in the way. Imbestigahan ninyo nang mabuti. Alamin natin nang mabuti kung sinong behind this. Hanggang ngayon...hindi pa tayo nakakasiguro,"sabi ni Marcos.

Aniya, kailangang matukoy ang mastermind sa kaso at motibo nito.

"But more importantly, is to really trace saan nanggaling ito? Who gave the order? Sino nagbigay doon sa preso na orderin ang shooter na gawin ito at bakit? sabi pa nito.

Si Villamor ay naiulat na namatay habang nakakulong sa National Bilibid Prison at sinabi ng NBI na wala "walang nakitang external physical injury" sa labi nito.

Nitong Oktubre 3 ng gabi ay pinagbabaril si Mabasa habang sakay ng kanyang kotse malapit sa gate ng BF Resort Village sa Las Piñas.