Binalaan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang mga residente ng Cagayan dahil posible itong bayuhin ng bagyong Paeng ngayong weekend.

"Inaasahan natin 'yung landfall nitong si bagyong Paeng ay mararanasan sa Linggo," paliwanag ni PAGASA weather specialist Patrick Del Mundo nitong Miyerkules.

Aniya, bukod sa Cagayan ay posible ring hagupitin ng bagyo ang Isabela.

Sa huling abiso ng PAGASA, namataan ang bagyo 945 kilometro silangan ng Eastern Visayas. Malaki aniya ang posibilidad na tumahak ang bagyo sa karagatan ng Baggao sa Cagayan sa Lunes, Oktubre 31 ng umaga.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

Taglay pa rin ng bagyo ang hanging 45 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna at bugsong hanggang 55 kph.

Ayon pa sa ahensya, posibleng maramdaman ang bagyo sa Huwebes.