Ayon sa ulat ng Forbes, si Jakkaphong “Anne” Jakrajutatip ang ikatlong pinakamayamang transwoman sa buong mundo na may kabuuang net worth na US$210 million o nasa P12.2 billion noong 2020.

Bago naging multi-business owner, nakuha ni Anne ang kaniyang Bachelor's Degree in International Relations program sa Bond University sa Queensland, Australia at kalauna’y naging real estate developer sa tulong ng certificate program mula Chulalongkorn University sa Bangkok.

Kilala si Anne bilang CEO ng media conglomerate na JKN Global Media Public Company Limited na naiulat nitong Miyerkules na bagong may-ari ng Miss Universe Organization, kalakip ang dalawa pang US-based pageants na Miss USA at Miss Teen USA.

Basahin: Isang Thai media mogul, nabili ang Miss Universe sa halagang P851M – report – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Human-Interest

Dating ALS learner, isa nang ganap na police officer

Ang JKN ang kasalukuyang reyna ng content distribution sa Thailand. Sa pangangalaga ni Anne, unti-unti na itong nag-expand hanggang South Korea, Japan, at Hollywood sa US.

Ayon sa isang ulat ng Bangkok Post, tinaguriang “Queen of Indian Content” din ang businesswoman na nagpakilala ng Indian TV shows sa Thai audience.

Tanging JKN din ang may hawak ng prangkisa ng kilalang CNBC business news program sa Thailand.

Sa pag-uulat, patuloy na nagpapalawak sa kanilang industriya ang dating content distribution company lang.

Sa ilalim ng Miss Universe, una nang nagpahayag ang JKN na layon nitong maging promoting brand para sa kanilang existing e-commerce businesses sa ilan pang industriya kabilang ang food supplements, beauty products, bukod sa iba pa.

“The company plans to bring the Miss Universe brand to help strengthen the e-commerce business in various product groups both dietary supplements beverage products. Personal products such as skin care products, cosmetics, and lifestyle products to create growth for the said business group in the future as well,” anang Chakrapong Chakrajutathip, Chief Executive Officer and Managing Director ng JKN Global Group Public Company Limited nitong Miyerkules.

Samantala, bilang advocate ng transgender community, itinatag ni Anne ang Life Inspired For Transsexual Foundation (LIFT) na layong isulong ang karapatan ng mga transgender kabilang na ang pagbibigay ng oportunidad sa kanila.

Sa Pilipinas, hindi na rin bago ang pangalan ni Anne sa showbiz. Sa katunayan, ilang Kapuso stars na ang personal na nakadaupang-palad ng media mogul. Kilala kasing business partners ang JKN at GMA Network.

Sa isang premium gala noong Setyembre 2019, kabilang sa mga panauhin ni Anne sina Kapuso stars Alden Richards at Dennis Trillo.

Larawan mula Instagram ni Anne Jakrajutatip

Personal na ring na-meet ng trans billionaire si Kapuso hunk Derrick Monasterio noong 2019.

Larawan mula Instagram ni Anne Jakrajutatip

Sa Instagram, isa si Anne sa kasalukuyang 3,086 lang na sinusundan ni Kapuso actress at international fashion socialite Heart Evangelista.

Noong 2020, matatandaan ang naging kontrobersyal na relasyon ni Anne sa ex-boyfriend ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na si Clint Bondad.

Anang Thai billionaire noon, kapatid ang turing niya sa Kapuso actor na nanirahan sa kaniyang puder ng halos isang taon din.

Sa kabila ng kaliwa’t kanang mga negosyo sa kaniyang pangalan, ang motto ng Thai billionaire: “We never stop improving and developing our business. We move forward without waiting for the opportunity to come.”