Isa rin ang celebrity at isa sa mga pinakamatatagumpay na vlogger sa Pilipinas na si Alex Gonzaga sa mga nadawit sa pinag-usapang rebelasyon ni Wilbert Tolentino tungkol sa dating kaibigan at kapwa vlogger na si Zeinab Harake noong Oktubre 23.

Ibinahagi ni Wilbert ang screenshot ng sinabi ni Zeinab na "wala raw sa hulog" si Alex at mas malakas pa ang hatak niya kaysa rito.

Isa rin si Alex sa mga binanggit ni Zeinab nang mag-post ito ng apology, sa lahat ng vloggers at celebrities na nadawit sa isyu.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/25/walang-palusot-zeinab-harake-humingi-ng-dispensa-sa-kapwa-vloggers-celebs-followers/">https://balita.net.ph/2022/10/25/walang-palusot-zeinab-harake-humingi-ng-dispensa-sa-kapwa-vloggers-celebs-followers/

National

Makabayan bloc, pinuna balak ni FPRRD na maging abogado ni VP Sara: 'Desperate political maneuver!'

Sa kaniyang tweets, mukhang updated naman si Alex sa mga ganap simula noong Oktubre ng gabi.

"psst maritest tulog na. monday na bukas," tweet ni Alex noong Oktubre 23 ng gabi kung saan nagsagawa ng Live ang vloggers.

https://twitter.com/Mscathygonzaga/status/1584211838245347328

"Huy Marites! Ikaw ang matulog na," pambubuking naman sa kaniya ng mister na si Mikee Morada. Ipinakita pa nito ang litrato niya habang nakahiga na sa kama, subalit nakatanghod pa rin sa kaniyang cellphone.

"Yung binuking ako ng sarili kong asawa. Fine. Matutulog na ko. Wala muna sana mag-live," ani Alex sa isa pang tweet.

https://twitter.com/Mscathygonzaga/status/1584228455461187586

At nitong Oktubre 25 ng gabi, matapos ang public apology ni Zeinab sa pamamagitan ng isang Facebook post, ay tila "napatawad" na rin ni Alex ang sikat na vlogger.

"Lahat naman ay nagkakamali ang mahalaga ay marunong magpakumbaba at humihingi ng tawad. 🙏🏼," aniya.

https://twitter.com/Mscathygonzaga/status/1584876054006882306

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"Tama. If Jesus can forgive, why can't you?"

"The stupid neither forgive nor forget; the naive forgive and forget; the wise forgive but do not forget. Forgiving someone is easy, but being able to trust them again is a totally different story. Remember, when you forgive you heal, and when you let go, you grow.

"No offense meant pero sana po humingi din kayo ng paumanhin sa Super Junior, ELF and PULP LIVE WORLD nong ginawa niyong katatawanan ang nangyari nong Super Show 9 in Manila. Sobrang sensitive ng topic na yon pero nagawa niyo pang magbiruan"

"Ay beh, noong nagkamali ka sa youtube mo hindi ka nagpakumbaba at humingi ng tawad. Naglagay ka lang ng disclaimer sa next video mo. Binaliktad mo pa na kaya maraming na-offend kasi sensitive sila."

"Di pagkakamali ang pagiging tanga at bulag sa katotohanan kasi may talino ka nga pinili mo pa rin ang mali. And kung sorry lang pala ma-solve mga mali natin, bakit need pa natin police kung ganun. Minsan kasi di lahat ng mali kayang gamutin ng sorry. At kahit pa magpakumbaba ka…"

"Kaya sana din ate yung hinihingan ng tawad ay marunong din magpakumbaba. It's a two-way process."

"We all make mistakes, not one of us is clean, we are all sinners, as Jesus said in John 8:7 'He who is without [any] sin among you, let him be the first to throw a stone at her'".