ILOCOS NORTE -- Sa initial assessment report ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) na pinamumunuan ni Gov. Marcos Manotoc, 55 bahay ang bahagyang nasira ng lindol habang isa ang totally damaged.

Habang, 36 katao ang nagtamo ng bahagyang pinsala. Dalawa naman ang malubhang nasugatan at kasalukuyang naka-confine sa Governor Roque B. Ablan Sr. Memorial Hospital.

Nitong Miyerkules, tiniyak ni Secretary Erwin T. Tulfo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang agarang tulong sa komunidad ng Ilokano.

Nakipagpulong siya kay Gobernador Matthew Marcos Manotoc noong Miyerkules para sa isang situational briefing kasunod ng magnitude 6.7 na lindol.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

"I already instructed our social welfare officer na mag-payout this afternoon. May naka standby naman kami na P20 million cash at 10,000 na food packs para sa Ilocos Norte so we are ready, we are prepared," Sec. Sabi ni Tulfo.

Ang mga may-ari ng mga bahay na ito ay makakatanggap ng kanilang cash payout ngayong hapon sinabi rin ng Kalihim.

Samantala, ang dalawang koponan ng DSWD at Provincial Disaster Risk Reduction Management Council ay magpapatuloy din sa ilang lugar sa Pagudpud at Adams para subaybayan ang sitwasyon ng mga komunidad na naapektuhan ng pananalasa kamakailan ng Bagyong "Neneng" at Tropical Depression "Obet."

Hinimok ni Gov. Marcos Manotoc ang panibagong state of calamity declaration ng Provincial Board, sa pagkakataong ito dahil sa lindol kamakailan.

"I asked the Sangguniang Panlalwigan to also declare another state of calamity para lang clear kasi ibang calamity na 'to even though we are still in a state of calamity from 'Neneng' and 'Obet.' Pero kailangan klaro na itong state of calamity ay dahil po sa lindol," dagdag niya.