Tila walang balak na tumiklop ang online personality na si Xian Gaza kasunod ng legal na depensa ni Wilbert Tolentino.

Ito ang punto ng negosyante sa isang Facebook post kasunod ng banta ni Atty. Toto Causing sa maaaring legal na rekurso kung hindi siya magpapahayag ng public apology sa kaniyang kliyente.

Basahin: Public apology o libel case? Wilbert Tolentino, pinalagan ang mga paratang umano ni Xian Gaza – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“Itsura pa lang nung abugado eh talaga namang very credible na. Hindi mo iisiping bayaran eh,” hirit ni Gaza.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Pilyong dagdag pa ng online personality: “Mukhang barker sa Quiapo na suma-sideline sa isang Notary Public.”

Maging ang pananalita ni Causing ay ‘di rin nakaligtas kay Xian.

“Very persuasive yung mukha at pagsasalita. Kapani-paniwala. Sobrang na-sway yung public opinion. Pagpasok mo ng law office eh mapapasabi ka ng ‘Manong, may water po kayo,’” aniya.

“Nagbayad at kumuha na nga lang ng props eh hindi pa ginalingan. Puchu puchu. Well, bagay naman sa branding niya. Sobrang cheapipay. Nagbabayad para mag-trending hahahahaha mygaaaaahd chaka naman nung ganun nakakahiya,” pagtatapos ni Xian.

Umabot na agad sa mahigit 118,000 reactions ang naturang post sa pag-uulat.

Sa isang Facebook live nitong gabi ng Martes, hindi na nagbigay ng dagdag na pahayag ang talent manager laban kay Xian.