Aminado ang kontrobersyal na vlogger na si Zeinab Harake na nagawan niya ng mali ang kapwa online creators at showbiz personalities kabilang na sina Robi Domingo, Jelai Andres, Alex Gonzaga, Donnalyn Bartolome, Sanya Lopez at bukod sa iba pa.

Sa isang Facebook post nitong Martes, nagpaabot ng paumanhin ang online personality "sa lahat ng taong napagsalitaan" niya nang hindi maganda at gayundin ang mga kaibigang nadawit sa kaniyang mga kontrobsersiya.

Ito’y kasunod ng viral na rebelasyon laban sa kaniya ng talent manager at tinaguriang “screenshot king” na si Wilbert Tolentino noong Linggo ng gabi. Sa naturang rebeleasyon, ilang paglalarawan ng mga vloggers, at celebrities ang pribadong binitawan ni Zeinab.

Basahin: ‘Ang Rebelasyon!’ Wilbert Tolentino, nagsiklab sa post ni Zeinab Harake, may isiniwalat laban sa kaniya – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Kabilang din sa mga hiningan niya ng kapatawaran sina Whamos, Toni Fowler, ang Toro Fam, Makagago, Madam Inutz at Sachzna.

“Hindi po ako magbibigay ng kahit na anong excuse, ang mga nabasa nyo po ay mga salitang nabitawan ko ng hindi ko napag isipan, tao lang din po ako katulad nyo. Ang ugali kong ito ay hindi tama at dapat kong baguhin. I'm really sorry,” ani Zeinab.

Humingi rin ng dispensa ang vlogger sa kaniyang fans, ang Zebbies, “na sobrang nadismaya” aniya sa kaniya.

“Tao lang din po ako at hindi perpekto. Nawa'y magkaroon po ng kapatawaran ang pagkakamali kong ito and I will try my best upang magbago, again galing sa puso ko I'm so sorry,” dagdag ng online star.

Pagtitiyak naman ni Zeinab gayunpaman, “I will move on and move forward from this dark chapter of my life. I will become better.”

Umabot na agad sa mahigit 338,000 reactions at 40,000 shares ang naturang post dalawang oras matapos isapubliko.