Sa pamamagitan ng kaniyang abogado, pinabulaanan ng talent manager na si Wilbert Tolentino ang mabibigat na akusasyon umano ni Xian Gaza kung saan pinapili pa itong agad na magpahayag ng public apology o harapin ang legal na rekurso.

Isang Facebook video ni Atty. Toto Causing ang buwelta ni Wilbert nitong Martes kasunod ng umano’y malisyusong mga paratang ng online personality.

Dito, itinanggi ng abogado ang umano’y mga ilegal na operasyon ng kaniyang kliyente.

Matatandaang sa blind item ni Xian, nabanggit nito ang umano’y lider ng credit card fraud, at online scam syndicate.

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

Depensa ng kampo ni Wilbert, nagbebenta umano ng website at sa pamamagitan ng membership fees nakalilikom ng kita ang negosyante.

Pinabulaanan din ng abogado ang umano’y sex extortion at mga opisina umanong sangkot sa operasyon nito.

“Nasaan ang ebidensya mo?” mariing tanong ni Causing.

Sinunog din ng abogado ang ibinahaging 2020 news story ni Xian ukol sa umano’y pagkakasangkot ni Wilbert sa isang cyberporn operation sa Isabela.

Aniya, fake news umano ito na pinatunayan ng Santiago City Prosecutor.

Hamon ngayon ng kampo ni Wilbert sa online personality, bawiin ang mga pahayag at humingi ng apology sa pamamagitan ng isang live broadcast.

Kung hindi, tila desidido namang magsampa ng libel case ang talent manager laban kay Xian.

Nauna nang itinanggi ng online personality na si Wilbert ang pinatutungkulan ng kaniyang viral na blind item.

Basahin: Biglang kabig? ‘Rebelasyon’ blind item ni Xian Gaza, ‘di raw tungkol kay Wilbert Tolentino – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid