Sa pangunguna ng youth volunteer group na “We Are One,” naitala kamakailan sa Seoul, South Korea ang world record sa pinakamaraming blood donors sa loob lang ng isang araw.

Umabot sa kabuuang 71,121 volunteers ang nagparehistro sa online portal ng grupo noong Oktubre 1, dahilan para opisyal na masungkit nito ang bagong Guiness World Record.

Youth volunteer group "We Are One"

Human-Interest

Netizen, ayaw na magbigay ng regalo sa pamilya niyang hindi marunong mag-appreciate

Ang naturang bilang ng donors ay paghahanda “upang imulat ang kahalagahan ng blood donation para malampasan ang blood shortage na dulot ng COVID-19” sa bansa.

Sa ulat ng Global Status Report on Blood Safety and Availability na inilathala ng WHO noong Hunyo 2022, ang mga kakulangan sa dugo ay nakaapekto sa lahat ng bansa sa panahon ng pandemya ng COVID-19.

Noong Enero ngayong taon, inihayag din ng American Red Cross na ang US ay nahaharap sa isang pambansang krisis sa dugo -- pinakamalala nitong kakulangan sa dugo sa mahigit isang dekada.

Sa pamamagitan ng “Red Connect,” ang opisyal na online applicationpara sa donasyon ng dugo ng Korean Red Cross, kinumpleto ng lahat ng mga boluntaryo ang aplikasyon para sa donasyon ng dugo sa loob ng 24 oras mula ika-8 ng umaga noong Oktubre 1 hanggang ika-8 ng umaga noong Oktubre 2, humigit-kumulang pitong beses ng dating world record na 10,217 (8 oras) na hawak noon ng bansang India.

“Naging posible hindi lamang dahil sa mga boluntaryo, kundi pati na rin sa mga opisyal ng Korean Red Cross na nangunguna upang malutas ang kakulangan sa dugo, at ang kumpanya ng IT na bumuo ng isang mahusay na sistema ng aplikasyon ng donasyon ng dugo. Sa kadahilanang iyon ito ay may malaking kahalagahan. Naniniwala ako na matatalo ang COVID-19 kapag iisa tayong lahat,” isinaling saad ng pangulo ng We Are One na si G. Junsu Hong.

Mula nang ilunsad ito noong Hulyo 30 ngayong taon, ang We Are One ay nagsagawa ng 70,000 blood donation campaign hanggang Agosto 27.

Simula noong Oktubre 11, may kabuuang 43,811 katao na ang nakakumpleto ng blood donation habang target na matapos ang natitira pa sa 70,000 katao hanggang Nobyembre.