Sabi nga, "Bato, bato sa langit, ang tamaan 'wag magalit!"

Ibinahagi ni Kapuso TV host at trivia master Kuya Kim Atienza ang kaniyang "words of wisdom" tungkol sa kasikatan, nitong Oktubre 24, 2022, sa pamamagitan ng kaniyang social media accounts.

Bagama't walang tinukoy na pangalan, espekulasyon ng mga netizen ay may kaugnayan ito sa pinag-usapang bardagulan ng vloggers sa social media, na nagsimula dahil sa iringan nina Wilbert Tolentino at Zeinab Harake.

Ayon kay Kuya Kim, ang kasikatan ay temporaryo lamang at maaaring malaos anumang oras, kaya dapat maghinay-hinay sa mga ipino-post online.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

"Fame is so fleeting, so temporary. Ingat sa sinasabi o pinopost pag sikat ka. Baka sa isang taon, di ka na sikat, you will be totally humbled," ani Kuya Kim.

Sa comment section, nilinaw ni Kuya Kim na general reminders ito para sa kaniya, sa kaniyang mga kasamahang celebrity, at vloggers. Wala raw siyang partikular na tao o mga taong pinatutungkulan.

"This post is for me, my co-workers on tv, vloggers or anyone under the spotlight. Wala akong personal na pinatatamaan. Back to you guys," disclaimer ni Kuya Kim.

Screengrab mula sa FB ni Kuya Kim Atienza