Bagaman ilang serye ng Facebook posts ni Xian Gaza ang tila direktang umaatake kay Wilbert Tolentino kasunod ng viral niyang “rebelasyon” video, may agad na pagkambyo ang online personality nitong Martes.

Sa isang opisyal na pahayag, itinanggi ni Xian na ang kontrobersyal na talent manager umano ang pinapatungkulan sa video.

“Kung mapapansin ninyo ay wala akong binanggit na pangalan sa buong video. Kung nag-assume ang publiko sa pagkatao nito, then that's not my problem anymore. I am not legally accountable for that,” ani Xian.

“The top 2 elements of a defamation case are the identity and the libelous claim. If it's a blind item and there's no identity at all, then there's no libel case on the table. So please stop linking my exposé video to a certain ‘Wilbert Tolentino.’ For the record, that is not true,” dagdag niya.

Pelikula

Barbie Forteza, magkakaroon ba ng pelikua; sinong leading man?

Sunod niyang itinanggi ang mga alegasyon sa pag-uugnay sa naturang video sa talent manager.

Matatandaang mabibigat na paratang ang pinakawalan ni Xian sa kaniyang Facebook video kung saan isa mastermind umano at lider ng credit card fraud at online scam syndicate ang tinutukoy ng blind item.

Kasalukuyan na itong umani ng nasa 8.3 million views.

Basahin: Mastermind ng online scam syndicate? Wilbert, nananatiling tikom sa mga paratang ni Xian – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Bagaman walang binanggit na pangalan sa naturang video, sunod na sinegundahan ng online personality ang ilan pang resibo sa dalawang Facebook posts na tila nagpapatibay sa mga paratang laban kay Wilbert.

Gayunpaman, saad ni Xian, “ I am publicly denying all the allegations na yung taong tinutukoy ko sa video ay si Wilbert Tolentino. I am giving my full consent to use this Facebook post as an official evidence to the proper judicial court. Hindi po yun totoo. Inosente po ako.”

“Kahit basahin niyo pa po lahat ng Facebook posts ko eh wala po kayong makikitang paninira to a certain "Wilbert Tolentino" na galing mismo sa akin dahil in the first place ay hindi ko po kilala ang tao na yan. Napanood ko lang po two days ago sa social media na ang tao na yan ay nagbabayad ng malaki para mag-trending at sumikat,” dagdag niya.

Nananatiling tikom sa isyu ang talent manager.