Nilinaw ng Kapuso news anchor/journalist na si Atom Araullo ang kumakalat na isyu tungkol sa kaniyang pangalan, ayon sa kaniyang latest tweets ngayong Oktubre 25.
Aniya, may mga tao raw na nagsasabi at nagpapakalat na buhat ang "ATOM" sa "August Twenty One Movement", o isang kilusang umusbong dahil sa pagkamatay ni dating Senador Ninoy Aquino.
Galing umano ang kaniyang pangalan sa pinagsamang pangalan ng kaniyang mga lolong sina Alfonso at Tomas.
"Utang na loob, itigil niyo na yung teoryang ipinangalan ako sa August Twenty One Movement o ATOM. Pinaslang po si Ninoy noong Aug 21, 1983. Ipinanganak ako noong 1982 (ayan age reveal tuloy). Ang Atom po ay kumbinasyon ng Alfonso at Tomas, na pangalan ng dalawa kong Lolong astig," ani Atom.
"Nakakatawa na ang dami-daming naniniwala diyan, at ginagamit na pruweba ng umano’y secret political agenda ko (gasp). Never thought I’d need to explain this, but here we are. #Disinformation is real. Learning poverty is real. Anyway, sana masarap ang mga ulam ninyo ngayon."
Hirit pa ni Atom, "Shucks baka ang agenda lang pala nila ipa age reveal ako. I’ve been played! Curses!"
Kamakailan lamang ay pinalagan ni Atom ang pangrered-tag sa kaniyang ina, at sa mga nagpapakalat ng maling impormasyon tungkol sa kaniya.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/18/ni-redtag-ang-ina-atom-araullo-pinalagan-ang-netizen-na-nagpapakalat-ng-disinformation/">https://balita.net.ph/2022/10/18/ni-redtag-ang-ina-atom-araullo-pinalagan-ang-netizen-na-nagpapakalat-ng-disinformation/
Dahil dito, trending topic si Atom sa Twitter.