Dahil mas nagiging mainit sa social media ang isyu sa pagitan nina Wilbert Tolentino at Zeinab Harake, may pahayag din ang social media personality na si Xian Gaza.

Sa isang mahabang Facebook post nitong Lunes, Oktubre 24, ibinahagi ni Gaza ang kaniyang nalalaman tungkol sa dalawang personalidad.

"Hindi totoo na si ZH ang naghahabol sa pera ni WT. It's the other way around. Si WT ang nagsusunog ng multimilyones sa maraming influencers upang makilala ang kanyang pangalan because he is a celebrity-wanna-be like me. Ang kaibahan lang naming dalawa eh siya'y gumagastos ng milyun-milyon upang sumikat habang ako naman ay kumikita ng milyun-milyon habang nagpapasikat," sey ni Gaza.

"After paying hundreds of thousands of pesos for every content, WT will question and pressure each influencer kung bakit mababa pa rin ang engagement ng paid content after paying a lot. Hindi lang nila masabi directly sa kanya na yung mga followers/subscribers nila ay wala naman talagang pake sa isang katulad niya. Kailangan nilang sakyan ang mga trippings ni WT dahil kailangan nila ang pera nito at isa na diyan si ZH. Business is business lang," dagdag pa niya.

National

Makabayan bloc, pinuna balak ni FPRRD na maging abogado ni VP Sara: 'Desperate political maneuver!'

Bilang kaibigan ni Zeinab, isa raw sa mga bad traits nito na napagsasalitaan niya nang hindi maganda ang mga kaibigan nito.

"Ang bunganga ni ZH ay walang preno kagaya ko. Ang kaibahan lang naming dalawa eh may times na pati mga sarili niyang kaibigan ay napagsasalitaan niya ng hindi maganda sa harap ng ibang tao. Small talks kumbaga. Na-witness ko mismo sa Singapore. That's one of her bad traits. Attitude na hindi tama," aniya.

Sabi rin ni Gaza, parehas daw silang hustler ni Zeinab.

"ZH is a master social media strategist like me. We know how to properly market our personal brands. We both earn tens of millions of pesos ng dahil dito. Parehas kaming hustler. Ang top priority namin ay kumita ng pera gamit ang social media and anyone na makakahadlang sa negosyo namin ay talagang sasagasaan namin. Walang puso puso."

"TF and her entire team is not good for business. That's a fact. If you get associated with TF and her team, babagsak yung value ng personal brand mo. Kung gusto mong makakuha ng magagandang endorsement projects, kailangan mong ilayo yung sarili mo sa mga vloggers and influencers na puchu-puchu at walang class (kagaya ni TF). That's how you do business. Nothing personal. Ididikit mo yung pangalan mo sa mga mas nakakataas sayo tapos iiwas ka naman sa mga tao sa baba. That's the way. Pasensyahan," dagdag pa niya.

Kuwento pa ni Gaza, tinalikuran daw ni Zeinab si Wilbert dahil masyado raw itong fame-thirsty na maski ang mga babae raw ni Skusta Clee ay pinakikisamahan nito nang maayos.

"Tinalikuran ni ZH si WT because he is too fame-thirsty na ultimo yung babae ni SC ay pinakisamahan niya ng maayos. If I'm ZH, I will do the same thing. 'Matic ay ekis ka na sa 'kin at buburahin kita sa aking buhay. There's no explanation for that. Natural law of things," ispluk niya.

"Hindi matanggap ni WT na after maubos ng life savings niya eh hindi pa rin niya na-reach yung level of fame and popularity na hinahangad niya. Matapos siyang pagkakitaan ni ZH at ng iba pang influencers eh wala rin talagang pinatunguhan ang lahat. Naubos lang yung pera niya. Until now, he is just a typical Youtuber like everyone else. Sad reality.

"ZH is the highest paid online personality ngayong 2022. Pumapalo ng 5-15 million pesos ang TF niya per brand endorsement. Sobrang lakas niya. Walang makasabay sa level niya, not even Ivana nor Alex Gonzaga.

"Hindi ito matanggap ni SC, ni WT at ni TF kaya gumawa sila ng coordinated attack on a Sunday night kung kailan peak na peak sa social media. Pinagtulung-tulungan nila si ZH upang masira ang momentum nito once and for all. Para umatras ang mga sponsors and company brands. Para mawalan siya ng kita."

Naniniwala naman daw ang social media personality na parehong may mali sina Zeinab at Wilbert.

"Naniniwala ako na parehas may mali si ZH at si WT. Parehas may pagkukulang ang dalawang panig. Kung nangibabaw lang sana kay ZH ang gratitude and compassion eh hindi na sana aabot sa ganito. Kung hindi lang sana umiral ang galit at inggit sa puso ni WT eh paniguradong hindi na lalaki ang issue. Sinamantala na lang talaga niya ang pagkakataon at ginrab ang perfect opportunity upang pumutok ang kanyang pangalan to the highest level once and for all," aniya.

Samantala, may mensahe naman si Gaza sa kaniyang kaibigan.

"Zeinab, totoong kaibigan mo ako and I'm telling you right now... may mali ka dito. Hindi lang ikaw ang biktima. May this serve as a big lesson for you. Hindi pa huli ang lahat para maitama mo ang bagay-bagay towards the better version of yourself. Tanggap kita ng buong-buo including all your flaws and imperfections. Hinding-hindi kita tatalikuran at kakalabanin. I will help you to become better kasi mahal kita bilang kaibigan."

Kaugnay na Balita:https://balita.net.ph/2022/10/24/ang-rebelasyon-wilbert-tolentino-nagsiklab-sa-post-ni-zeinab-harake-may-isiniwalat-laban-sa-kaniya/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/10/24/ang-rebelasyon-wilbert-tolentino-nagsiklab-sa-post-ni-zeinab-harake-may-isiniwalat-laban-sa-kaniya/