Pinusuan ng netizens ang isang Pinoy barista sa Dubai matapos maitampok kamakailan sa isang billboard sa kahabaan ng kilalang Sheikh Zayed road para sa isang clothing brand.

Proud pinoy moment ang isang TikTok video ni Jacob Mariano matapos ibahagi sa kaniyang mahigit 177,000 followers ang kauna-unahan niyang billboard sa banyagang bansa.

Sa ulat ng Global Filipino magazine, isang full-time barista ang Pinoy expat na rumaraket din bilang freelance model sa ilang kilalang apparel at sports brands.

Sa saliw ng rap-hit ni Ezmil na “Panalo,” proud na ibinahagi ni Jacob ang panibagong feat sa kaniyang modeling career.

BALITAnaw

Ogie Diaz, pinagsabihan si Mark Fernandez nang makita 'bird' ng aktor

Makikita pang napasayaw ang Pinoy habang todo-suporta naman ang ilang kaibigan sa likod ng kamera.

Ilang Pinoy netizens din ang nagpaabot ng pagbati kay Jacob sa Tiktok video nito na kasalukuyang nasa 63,000 views na sa pag-uulat.

“Congrats! Sana marami pang susunod na billboards! We are proud of you kabayan!”

“Wow! Nakaka-proud!”

“Wow! This is amazing! You look fantastic too!”

“Kahit saang bansa angat ang galing at talent ng mga Pilipino!”

“Galing naman! Sana marami pang Pinoy na sumunod sa galing mo!”

Walong taon nang nagtatrabaho sa Dubai si Jacob.

Kamakailan, kinilala rin siya bilang “Barista of the Year” ng kaniyang kompanya.

Makikita rin ang hiwalay na proud moment sa isa pang TikTok video.