Hindi na sinagot ni Morissette Amon ang kontrobersyal na pagpatol ni Mel de Guia, partner ni Sheryn Regis, laban sa isa niya umanong "bastos" na fan kamakailan.

Sa halip, sa isang Instagram post nitong Lunes, personal na nagpaabot ng kaniyang pasasalamat ang “Asia’s Phoenix” pareho kay Sheryn at ang kilalang ABS-CBN music producer na si Jonathan Manalo.

Matatandaang ipinaabot sa isang Twitter post ni Mel ang umano’y bastos na fan ni Morissette matapos ilarawang “down” na ang karera ni Sheryn, gayundin ang pagbuhay daw ni Morissette sa “patay na kanta” nito, mga puntong na inisa-isang depensahan ni Mel.

Basahin: Partner ni Sheryn Regis, pumatol sa ‘utak ipis’ na fan umano ni Morissette Amon – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Tila dedma naman ang singer at sa halip ay muling binigyang-pugay ni Morissette si Sheryn para sa kantang OPM hit na “Gusto Ko Nang Bumitaw.”

Matatandaang isa si Sheryn sa mga nagsulat sa trending OPM song, na sa kaniyang pagbabahagi ay mula sa kaniyang diary.

“What an honor to have finally sung ‘Gusto Ko Nang Bumitaw’ with the original herself, akung Ate @sherynregis 💕 Salamat kaayo 'Te for sharing this incredible song & story nimo sa amung tanan!” mababasa sa IG post ng singer kalakip ang kanilang mga larawan at maikling video sa naganap na Mr. Music concert sa Newport Resorts Performing Arts Theater noong Okt. 15.

Aniya pa, isang “proud Cebuana moment” ang makasama sa iisang entablado ang tinaguriang “Crystal Voice of Asia.”

Hindi rin nakalimutan ni Morissette ang kontribusyon ni Mr. Music na si Jonathan na aniya’y nagbigay ng napakaraming oportunidad sa mga mang-aawit kagaya niya.

Ipinagdiwang ng Kapamilya music genius nag kaniyang ika-20 anibersaryo sa industriya kamakailan.