Present sa 2022 Houston Filipino Street Festival si Miss USA R’Bonney Gabriel kung saan proud niyang ibinida ang kaniyang Pinoy culture and heritage.

Kasunod ng pagdiriwang ng Filipino-American History Month ngayong Oktubre, proud na iflinex ng Fil-Am beauty queen at Miss Universe bet ang kaniyang Pinay side sa muling Pinoy piyesta sa Texas, USA.

Basahin: Fil-Am Miss USA R’Bonney Gabriel, niresbakan ni Tyra Banks sa gitna ng ‘cheating’ issue – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Sa serye ng Instagram posts at stories ng titleholder, makikita ang mainit na pagtanggap ng Pinoy community gayundin ang game na game na personality ni R’Bonney na makasama ang maraming Pinoy sa naturang event.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Elegant at glamorous din ang Pinay-Texan beauty queen suot ang blue ensemble ng Pinoy designer na si Rhian Fernandez.

“What a beautiful day at@htownfilfest! Thank you for inviting me to your festival. There’s no better way to enjoy my first event back in Texas but with beautiful people, live music, good food, ensaymada, Filipino artisans, and welcoming energy,” mababasa sa IG post ng beauty queen.

Dagdag niya, isang karangalan ang maramdaman ang “love and support” ng Fil-Am community sa naturang event.

Basahin: Ka-lookalike? Beatrice Gomez, nag-react sa mga nagsasabing kahawig niya si R’Bonney Nola – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Present din bilang special guest si OPM icon Martin Nieverra sa kasiyahan.

Si R’Bonney ang kauna-unahang Pinay-American Miss USA titleholder.