Eksklusibong nakapanayam ng Balita Online ang bagong tanghal na reyna ng "Miss Q&A Kween of the Multibeks" ng noontime show na "It’s Showtime," na si Anne Patricia Lorenzo.

Mainit na pinag-usapan sa social media ang kaniyang naging sagot sa tanong na, ‘Naniniwala ka bang may taong tanga?’ dahilan upang maungkat ang political stance ng beauty queen.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/23/may-tao-bang-tanga-final-answer-ni-miss-qa-kween-of-the-multibeks-anne-patricia-lorenzo-usap-usapan/">https://balita.net.ph/2022/10/23/may-tao-bang-tanga-final-answer-ni-miss-qa-kween-of-the-multibeks-anne-patricia-lorenzo-usap-usapan/

Matatandaang noong Mayo 10, isang araw matapos ang eleksyon, nag-post si Lorenzo sa kaniyang Instagram account ng larawan nang nanalong Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Screengrab mula sa IG ni Anne Patricia Lorenzo

"My answer is not pertaining to anyone the stage (and) Miss Q&A is a perfect platform for me to speak up. I’m just giving a general information and reminders na sa mga susunod pang taon na magkaka-election in all levels of government mapa-local o national, we filipinos need to ne wise at wag nang magpaka-tanga sa pagpili ng pinuno so hindi to sa’kin kundi sa lahat ng botanteng Pilipino,’ saad ni Lorenzo nang tanungin siya kung anong masasabi niya na para sa kaniya mismo ang naging sagot niya sa ‘Final Chukchak’ ng patimpalak.

Dagdag pa ni Lorenzo, ang kaniyang post ay isang congratulatory post lamang na di na dapat palakihin.

"I simply congratulate the new president bilang Pilipino na taga-Pilipinas, it’s my responsibility to support the new administration regardless kung sino ang binoto ko. Hindi naman po kasi ako puwedeng gumawa ng sariling gobyerno pero kung may makita akong mali syempre bilang Pilipino, I will also use my voice to speak up but that post way back na may nanalong presidente and tayong Pilipino normal na mag-congratulate sa mga nanalo, it’s a sign of humility."

Si Lorenzo ay hindi baguhan sa Ms. Q&A na unang sumali noong 2019 kung saan siya ay naging bahagi ng Top 6. Siya rin ang first runner-up sa Miss International Queen Philippines 2022, kaya labis na tuwa ang nararamdaman ng beauty queen sa kanyang tagumpay sa Miss Q&A.

Nang tanungin naman kung anong sunod para sa kaniya, saad niya na "I will continue my advocacy for the LGBTQIA+ rights and doing what I love which is sa showbiz po if ever magka-chance."

Pinabulaanan din niya ang umano'y "lutang" comment niya patungkol kay dating Vice President Atty. Leni Robredo.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/23/miss-qa-titleholder-pinabulaanan-ang-umanoy-lutang-comment-vs-robredo/">https://balita.net.ph/2022/10/23/miss-qa-titleholder-pinabulaanan-ang-umanoy-lutang-comment-vs-robredo/