Nakatatanggap ng mga banta sa kanilang buhay ang ilang miyembro ng pamilya ng napatay na komentarista sa radyo na si Percival Mabasa, na mas kilala bilang Percy Lapid, pagbubunyag ni Roy Mabasa, kapatid ni Percy, nitong Lunes.

Ibinunyag ito ni Roy, isang beteranong mamamahayag, sa kanyang Facebook post habang sinimulan din ng Department of Justice (DOJ) nitong Lunes, Oktubre 24, ang paunang imbestigasyon sa reklamong pagpatay na inihain laban sa apat na taong iniulat na sangkot sa pagpatay.

“Ang pamilya po ni Ka Percy ay buong-pusong nagpapasalamat sa lahat ng kanyang masugid na tagasubaybay at tagasubaybay sa buong mundo na walang sawa sa pagpapadala ng kanilang mensahe ng suporta sa panahon na ito,” ani Roy.

“Ito ay sa kabila nang naglipanang mga siraulo na nagpapahatid naman ng kung ano-anong uri ng pananakot sa pagtatangkang wasakin ang aming determinasyon na papanagutan ang mga nasa likod ng pagpatay kay Ka Percy,” pagpupunto niya.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Maliban sa mga pagbabanta, marami rin umanong “mga extortionists at mapagsamantala na gusto pang pagkakitaan ang mga namatayan sa kung ano-anong paraan.

“Sa gitna ng maraming pagsubok, tuloy lang po ang laban,” aniya gayunpaman.

Isinagawa noong Lunes ng DOJ ang preliminary investigation sa reklamong pagpatay na inihain laban sa mga iniulat na sangkot sa pagpatay kay Percy Lapid.

Present sa preliminary investigation si self-confessed gunman Joel S. Escorial.

Ang susunod na paunang imbestigasyon ay gaganapin sa Nobyembre 4.

Bukod kay Escorial, ang mga pinangalanang respondent ay ang magkapatid na Edmon at Israel Dimaculangan, at isang taong kinilala lamang bilang “Orly” o “Orlando.”

Ang preliminary investigation ay hiniling ni Escorial sa pamamagitan ng kanyang abogado.

Sa inquest proceedings noong Oktubre 18, sinabi ng DOJ na si Escorial ay "boluntaryong muling nagpatibay sa kanyang affidavit (Extra Judicial Confession), na umamin kasama ng iba pa, sa pagpatay kay Percy Lapid."

“He acknowledged that on 03 October 2022, at around 8:30 P.M., in Aria Street, Sta. Ceclia Village, Brgy. Talon Dos, Las Pinas City, he shot Percy Lapid three (3) times uising a caliber .45 pistol, and that he was accompanied by Israel Adao Dimaculangan, Edom Adao Dimaculangan and a certain alias Orly/Orlando,” anang DOJ.

Jeffrey Damicog