Maaari pa umanong magpapatay sa labas ang mga drug lord kahit nakakulong na sila sa National Bilibid Prison (NBP), ayon sa dating hepe ng Bureau of Corrections (BuCor) na si Senator Ronald dela Rosa.

Ito ay reaksyon ni dela Rosa kasunod na rin ng pagkakapaslang sa mamamahayag na si Percival "Percy Lapid" Mabasa kamakailan.

Aniya, posibleng mangyari ang alegasyon ng self-confessed gunman na si Joel Escorial na iniutos ng isang "middleman" na nakakulong sa NBP ang pagpatay kay Mabasa.

Malala na aniya ang sindikato sa loob ng nasabing maximum security compound.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

"Yung mga sindikato sa loob, lalo silang lumala. Wala na silang takot kasi nakakulong na sila. Hindi na sila pwede ikulong dahil nakakukong na sila, hindi na sila pwedeng hulihin," pahayag ni dela Rosa sa isang television interview nitong Lunes ng umaga.

Inihalimbawa nito ang isang insidente kung saan isang mahistrado ng Korte Suprema ang humingi sa kanya ng tulong matapos bantaang patayin ng isang drug lord ang isang hukom kung hindi pabor sa kanya ang ilalabas niyang desisyon sa kaso nito.

"'Pag hindi niya papaboran ang desisyon niya na laban doon sa isang drug lord sa loob ng Bilibid, may mangyayaring masama sa kanya. Tinatakot siya," aniya.

Inilahad pa nito ang isa pang insidente kung saan isa pang nakakulong na drug lord ang nag-utos na patayin ang kanyang kasintahan sa labas ng piitan dahil umano sa selos.

Naisagawa aniya ang utos, gayunman, nakaligtas ang babae matapos tamaan lang ng bala sa kanyang mukha.

"Ganun katindi ang sindikato sa loob," pagdidiin ng senador.

"Yun na, pinatay. Sigurado 'yan may nag-utos na naman na patayin 'yungnasunogna na contractor," paliwanag nito kaugnay sa pagkamatay ng umano'y "middleman" sa pagpaslang kay Mabasa.

"Stop communications, stop contact with the outside world. Paano mo 'yan gagawin eh, ang daming squatter sa loob ng Bilibid, na pwedeng magtapon ng cellphone sa loob ng Bilibid," lahad nito.

"Dapat talaga ibalik death penalty, 'yung mga pinatawan ng death, dapatbinibitayna para hindi na makagawa ng kalokohan sa loob. 'Yun ang pinaka-immediate solution," dagdag pa ng senador.