Matapos ang mahabang talak ni Unkabogable Star Vice Ganda sa kaniyang version ng rebelasyon nitong Lunes, hindi ito pinalagpas maging ng kaibigan at kapwa “It’s Showtime” host na si Anne Curtis.

Matatandaang naintrigang may hindi umano pagkakaunawaan ang dalawang host dahilan ng mahigit isang linggong pagliban ni Vice Ganda sa noontime show.

Basahin: Vice Ganda, isa-isang sinagot mga isyung ibinabato sa kaniya, co-hosts ng ‘It’s Showtime’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Naitampok pa ang showbiz chika sa trending na “Ogie Diaz Showbiz Update” sa YouTube kamakailan.

Tsika at Intriga

Janice, tikom ang bibig sa isyu nina John at Priscilla

Kuwelang paglilinaw ni Meme sa Twitter: ““TOTOONG MAGKAAWAY KAMI NI ANNE. Matagal na tong alitan na to na di naayos. It’s been 13yrs na di maresolve ang issue kung sino samin ang chaka. And last week nga ay umabot na sa sampalan. Nalunok nya ang kamay ko at till now di ko pa nababawi. I hate anne for life!”

Maraming netizens ang aliw na aliw sa pasabog ding kalokohan ng Kapamilya star na tila pagsakay din nito sa trending na salpukan ng ilang vloggers mula pa nitong Linggo ng gabi, Okt. 23.

Nauna nang nilinaw ni Meme ang pagiging abala niya sa taping ng upcoming Metro Manila Film Festival (MMFF) entry kasama si Ivana Alawi.

Pagresbak ni Anne sa kaibigan: “Ikaw talaga. Sa edad mong 57 Ulyanin na ha. Hindi kamay nalunok ko. Paa. Paa na May bakal. Pero ok lang ung sez! May 3 ka pa naman natitira.”

https://twitter.com/annecurtissmith/status/1584467044426448897

Abot-abot na aliw naman ang dulot ng pagresbak ng Kapamilya host na may pahiwatig pang kabayo ang Kapamilya star.

Hindi na bago ang naturang imahe ng dalawa na nakilala sa kanilang viral at trending na mga kulitan at banter sa “It’s Showtime.”

Tila hinihintay naman ng netizens ang magiging sagot ngayon ni Meme.