Hot topic ngayon sa social media ang latest video ng talent manager-online personality na si Wilbert Tolentino matapos niyang magsagawa ng "rebelasyon" tungkol sa kapwa vlogger at online personality na si Zeinab Harake, dahil lamang sa "parinig post" ng huli.

Tila nagsiklab ang kalooban ni Wilbert dahil marami umano ang nagpapadala sa kaniya ng personal message tungkol sa cryptic post ni Zeinab hinggil sa mga "manggagamit".

"Nakita naman ninyo ang post ng aking mentor, si Momshie Zeinab," ani Wilbert sa kaniyang video na naka-upload sa kaniyang YouTube channel kahapon ng Linggo, Oktubre 23.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Screengrab mula sa YT Channel ni Wilbert Tolentino

Marami umanong mga nagmamalasakit sa kaniya ang nagpapadala ng screenshots ng kaniyang itinuturing na isa sa mga "mentor" sa larangan ng vlogging, na anila ay patutsada sa talent manager nina Madam Inutz at Herlene "Hipon Girl" Budol.

Ibinahagi pa ni Wilbert ang screenshot ng tinutukoy niyang parinig ni Zeinab, na bagama't walang binanggit na pangalan, ay ipinagpalagay na isa siya sa pinariringgan, dahil sa nakalagay na "bading na akala mo inay-inay mo". Ang ipinupunto ni Zeinab sa kaniyang cryptic post ay walang dapat pagkatiwalaan kahit itinuturing mong kaibigan ang isang tao: na mabait kapag nakaharap subalit "ginagago" ka naman sa talikuran.

Marami raw nagta-tag sa talent manager na isa raw siyang "Wilbert user" at masakit daw sa damdamin niya ang mga paratang na ito. Masama ang loob ni Wilbert dahil pinabayaan daw ni Zeinab na pagpiyestahan ang pangalan ng mga vloggers na itinuturing na malalapit kay Zeinab.

Pagsisiwalat ni Wilbert, talaga namang malaki ang utang na loob niya kay Zeinab dahil isa ito sa mga nakatulong sa kaniya upang mapabuti niya ang vlogging; ngunit ipinagdiinan ni Wilbert na may natatanggap na bayad umano si Zeinab mula sa kaniya, at nang mag-hit naman ang kaniyang vlog ay nagtuloy-tuloy na itong "magdikta" kung anuman ang iko-content niya.

Kung may hinihingi rin daw si Zeinab gaya halimbawa ng pagdodonate sa charity at iba pa, pumapayag naman si Wilbert dahil pagpapakita ito ng pagtanaw ng utang na loob sa nagsilbing mentor sa kaniya sa vlogging. Pero sa puntong ito, sinabi ni Wilbert na sa harap ng camera, ang nakikita ng mga taong nagbibigay ng pera ay si Zeinab, subalit ang totoo raw, sa kaniya galing ang mga ito.

"Sa harap ng camera, alam ng lahat na siya ang tumulong. Pero kapag wala sa camera, hindi ninyo alam na ako yung nagbayad," saad ni Wilbert.

Hinayaan lamang daw ni Wilbert na palabasing si Zeinab talaga ang nag-aabot ng tulong, upang gumanda ang imahe nito. Wala raw nakikitang masama si Wilbert sa mga ginagawang ito ni Zeinab, dahil aniya ay nakatutulong ito sa promosyon ng kani-kanilang vlogs.

"Si Zeinab ang nanghihingi sa akin ng content. Siya ang may kailangan sa akin. At sasabihin niya sa akin, i-uupload niya sa YouTube channel niya, para makilala ako ng mga Team Zebbies. Pero after few weeks, ite-take down niya, 'yon ang masaklap," rebelasyon ni Wilbert.

Na-appreciate din ni Wilbert na marami din namang naipakilalang YouTubers si Zeinab sa kaniya, upang makapagsagawa sila ng "collab" o collaboration.

Nireveal din ni Wilbert na napagkakitaan umano ni Zeinab si "Hipon Girl" nang ipakilala niya ito sa kaniya, matapos ang panayam ni Toni Gonzaga sa "Toni Talks".

Sa kasagsagan din umano ng kasikatan ni "Madam Inutz" sa kaniyang online selling, hindi raw umano gustong makipag-collab dito ni Zeinab dahil "mawawala" rin daw ang interes ng mga netizen sa kaniya. Ipinagdiinan ni Wilbert na hindi basta-basta nakikipag-collab sa ibang vloggers si Zeinab "kung wala namang mapapala" rito. Natatakot aniya itong maagawan o malipatan ng subscribers.

"Yun ba sa tingin n'yo, good influencer 'yun?" sey ni Wilbert.

Marami pa aniyang mga vloggers na gusto sanang maka-collab ni Wilbert ang hinarang ni Zeinab gaya nina Makagago, Makagwapo, Whamoz Cruz, Toro Family, at maging si Toni Fowler. Tinawag daw ni Zeinab na "trash" ang mga ito.

"Lahat ng nabanggit ko, sinabi niya ay trash. Just imagine mo, trash! Once na makipag-collab daw ako, tatablahin daw ako ng lahat."

"Lahat 'yan inintindi ko sa'yo, Zeb. Ang taas at nilo-look up kita. Hindi ko alam bakit umabot tayo sa ganoon," sey ni Wilbert.

Upang kontrahin naman ang mga naging pahayag ni Wilbert sa kaniyang ">vlog, ay nagsagawa naman ng isang Facebook Live si Zeinab.