Natukoy sa anim na barangay sa Tacloban City sa Leyte ang kalakhan ng mga pasyente kung saan isang sampung-buwang sanggol at isa pa, ang binawian ng buhay.

Sa ulat ng RMN Tacloban nitong Lunes, kumpirmadong nasa 24 na ang kasalukuyang naisugod sa mga pagamutan sa lungsod kasunod ng umanong biglaang pagsirit ng kaso ng diarrhea.

Ayon sa Tacloban City Health Office, dalawa sa mga ito ang nagpositibo sa kolera ayon sa isinagawang rapid diagnostic test.

Agad na ipinag-utos ni Tacloban City Mayor Alfred Romualdez ang pagsuri sa mga water refilling stations at iba pang pinagkukunan ng tubig sa lungsod.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Kabilang ang Barangay 106, 105, 107, 91 Abucay, 39 Calvary Hill, at 79 Marasbaras sa mga natukoy na lugar na pinagmulan ng kalakhang pasyente, dagdag ng ulat.

Ipinanawagan naman ng mga lokal na awtoridad na agad na ipag-alam at sumangguni sa kani-kanilang mga rural health units (RHU) sakaling magpakita ng sintomas ng diarrhea.