Naispatang magkasama, nagkita, at nagyakapan ang international relations expert-journalist-blogger na si Sass Rogando Sasot at dating Presidential Communications undersecretary Mocha Uson, ayon sa Facebook post ni Atty. Darwin Cañete nitong Huwebes, Oktubre 20, 2022.

May caption itong "Peace!"

National

Super Typhoon Ofel, napanatili ang lakas habang nasa northeast ng Echague, Isabela

Matatandaang nagkaroon umano sila ng di-pagkakaunawaan dahil sa salungatang ideya patungkol sa isinusulong na karapatan ng LGBTQIA+ community, lalo na ang "Sexual Orientation and Gender Identity Expression" o SOGIE Bill.

“I have never been so tired and at the same time so fulfilled in my life…Grabe today,” ani Sasot sa pagkikita nilang muli ni Uson.

Narito naman ang mga reaksiyon at komento ng netizens hinggil sa kanilang reconciliation:

"Very happy to see Mocha and Sass are in good terms, Keep it up guys."

"Yey! Happy to see them friends again!"

"Lol this scene is so normal in politics, no more, no less."

"See if Mocha and Sass can make up. Why not the other’s do?"

Sina Sasot at Uson ay magkaibigan at parehong tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa panahon ng kampanya sa nagdaang halalan, magkaiba sila ng sinuportahan. Si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. ang sinuportahan ni Sasot habang si dating Manila City Mayor Isko "Moreno" Domagoso ang naging "manok" ni Uson.