Hindi nagtimping patulan ng aktres at mental health advocate na si Nadine Lustre ang isang basher sa Twitter matapos ilarawan siyang mukhang matanda kasunod ng mga ibinahaging daring photos kamakailan.

Matatandaang ilang pasabog na online posts, kabilang na sa Instagram, ang iflinex ng aktres, pagpapakita sa komportable na niyang pagpapahayag sa kaniyang sariling balat.

View this post on Instagram

A post shared by 小宮希美 🤍 (@nadine)

Tsika at Intriga

Netizens kay Anthony: 'You look tired. I wanna baby you!'

Kasunod nito, tila nakatanggap naman ng mga unsolicited comments ang aktres dahilan para magpahayag ng saloobin sa isang Twitter post nitong Linggo.

“I find it so weird when people say I’ve changed and I look older. What? Were you expecting me to be the same person when I was 21? Im turning 29 next week,” mababasa sa tweet ng aktres.

https://twitter.com/hello_nadine/status/1584008808451682306

Sa halip naman na maunawaan, natira pang muli si Nadine ng isang Twitter basher.

“Gurl, ang dumi at dry kasi ng balat mo kay[a] mukha kang matanda,” walang prenong saad ng Twitter user sa tweet ng aktres.

Agad namang pagresbak ni Nadine, “At least ‘di kasing dumi ng ugali mo.”

Si Nadine na nakilala mang “Multimedia Princess” noon ay isa nang kilalang multi-awarded actress at nasa listahan ng most influential stars sa bansa ngayon.

Sa pag-uulat, tumabo na sa mahigit 11.5 million ang kaniyang followers sa Instagram pa lang.

Basahin: ‘Lovescene’ album, ‘saddest confession’ ni James Reid kay Nadine Lustre, anang fans – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid