Itinanghal na "Miss Q&A Kween of the Multibeks" ng noontime show na "It's Showtime" ang kalahok na si Anne Patricia Lorenzo, sa ginanap na "Miss Q&A Queenfinity War" kahapon ng Sabado, Oktubre 23, 2022.

Pinag-usapan nang bonggang-bongga sa Twitter universe ang kaniyang naging final answer sa tanong na "Naniniwala ka bang may taong tanga?"

Sey niya, "I believe, oo, naniniwala akong may taong tanga. Bakit? Dahil sinasadya niyang magpakatanga kahit lahat naman tayo ay may kakayahang malaman kung ano ang tama at mali. Nilikha tayong matalino pero choice natin magpakatanga at sila yung mga totoong taong tanga dahil pinipili nila magpakabobo sa sitwasyong kailangan naman nila at kayang-kaya nilang maging matalino."

Iniugnay ni Lorenzo ang kaniyang sagot sa pagpili ng mga pinuno ng bayan.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

"Tulad na lamang sa pagpili ng mga pinuno ng ating bayan. Nagiging tanga tayo dahil alam naman natin kung sino ang may kredibilidad at kakayahan pero nagpapadala pa rin tayo sa mga matatamis na mga salita at 'yan ang pagkakataong may taong tanga. And I, Thank You!!!"

Larawan mula sa FB page ng Pageant Aficionado

Bukod sa titulo, si Lorenzo rin ang nakakuha ng "Madlang Pi-Poll Choice Award".

Sa kaniyang Instagram post matapos ang timpalak, sinabi ni Lorenzo na ito ang kaniyang "priceless moment of her life".

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"Very palaban na sagot, judging from this, I know na ano patutunguhan niya sa next level ng International competition. If any. Anyone who dip their feet in Philippine politics especially from the world of pageantry… Di talaga nananalo. Not because they do not deserve to win, not because they are not beautiful enough, or intelligent enough. There is a bigger invisible factor that plays here. The power of want."

"Dami na naman basher nito for sure. Walang masama sa sagot niya base sa pagkakaintindi ko. Yung sagot niya kasi pang-general, di siya nagsabi ng any position in the government. Kundi nilahat talaga niya! May point naman siya."

"Maganda ang sagot ngunit ung last na bahagi parang nag pasipsip sa station ang point. Hehehe! Just saying. Congrats!"

"Hahaha. Tama naman pero dapat set aside mo ang politics kasi it will lead you down."

"Sa kaniya na talaga!!! Kahit ang galing ng Karen, as in ramdam ko na sa kaniya talaga ang crown."

Samantala, trending din si Vice Ganda dahil wala siya sa aktuwal na grand finals. Kaagad namang nagpaliwanag sa madlang pipol at madlang netizen ang Unkabogable Phenomenal Star sa pamamagitan ng tweets.