Camp Olivas, City of San Fernando, Pampanga – Kusang sumuko sa mga awtoridad ang tatlong dating miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) habang nadiskubre rin noong Oktubre 20 ang cache ng mga armas, kabilang ang ilang pampasabog.
Ayon sa isang kamakailang ulat, nadiskubre ng pulisya sa Porac, Floridablanca, Sta. Rita at Pampanga Intelligence Unit ang isang unit caliber 45 (pistol) na may anim na piraso ng bala, unit caliber 38 (revolver) na may dalawang bala, Grenade hand fragmentation MK2 (explosive), apat na 40-millimeter-high explosive, at dalawang detonating cord.
Samantala, si Ka Bilo, dating miyembro ng Samahan ng mga Magkakapitbahay (SAMAKA) at Underground Mass Organization (UGMO), ay boluntaryong sumuko rin sa mga awtoridad kasama ang iba pang kinauukulang yunit.
Boluntaryo ring sumuko si Ka Amang, dating miyembro ng Militiang Bayan na nagsisilbing liaison para sa armadong grupo.
Dagdag pa rito, sumuko rin si Ka Oscar, dating miyembro ng CPP-NPA sa ilalim ng direktiba nina Ka Edong at Ka Gorio, sa mga tauhan ng Gen. Natividad Police Station kasama ang iba pang kaugnay na mga yunit at dagdag na Caliber .38 revolver.
Sinabi ni Regional Office 3 Director PBGEN Cesar Pasiwen na ang pinakahuling pagkadiskubre ng arm cache ay higit pang magpapahina sa logistik ng CTG.
Pinuri rin niya ang tropa sa matagumpay na pagpapatupad ng Executive Order 70, na naglalayong wakasan ang local communist armed conflict.