Positibo pa ring tinanggap ni dating National Task Force (NTF) against coronavirus disease special adviser at public health expert Dr. Anthony “Tony” Leachon ang pagkakatalaga sa dating hepe ng pulisya na si  Camilo Cascolan bilang bagong undersecretary ng Department of Health (DOH).

Sa kaliwa’t kanang pagpapahayag ng pagkadismaya ng marami, binati naman ni Leachon ang bagong mga opisyal ng DOH nitong Linggo.

Basahin: Ex-PNP chief Cascolan, itinalaga bilang undersecretary ng DOH – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“I think it’s time to let go of negative and toxic feelings.  Sometimes you just need to relax and trust that things will work out.  Let go a little and let life happen,” mababasa sa isang Facebook post ni Leachon.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Dagdag niya sa hiwalay na pahayag, “there are things beyond our control” kaya’t hayaan na lang umano ang mga bagong opisyal na patunayan ang kanilang mga sarili sa posisyon.

Sa huli, may karapatan umanong magtalaga si Pangulong Bongbong Marcos.

Gayunpaman, hindi raw ito ibig sabihin na dapat manuod lang sa naturang usapin.

“As citizens, we should be responsible and vigilant. We will call out when there’s a problem in leadership and governance. But we need to respect people too,” aniya pa.

Noong Pebrero 2021, itinalaga si Cascolan bilangundersecretary sa Office of the President.

Nagsilbi rin siyang hepe ng PNP noong Setyembre hanggang Nobyembre 2020 at naging regional director ng National Capital Region Police Office (NCRPO) noong 2018.

Samantala, mahigit apat na buwan sa administrasyon ni Marcos, bakante pa rin ang posisyon ng DOH secretary.