Posible umanongmaabsuweltoang self-confessed gunman na si Joel Escorial kapag ginawang state witness laban sa may pakana ng pagpatay kay hard-hitting broadcaster Percival "Percy Lapid" Mabasa.

Ito ang reaksyon niIntegrated Bar of the Philippines (IBP) National President Burt Estrada nitong Linggo kaugnay ng naging pahayag ni Department of Justice Secretary Jesus Crispini Remulla na maaaring gawing testigo ng gobyerno si Escorial sakaling makapagbigay ng impormasyon sa ikatutukoy ng mastermind sa krimen.

"'Pag pinayagan ng korte ay siya’y madi-discharge at ito’y equivalent na sa isang acquittal kung siya’y magte-testify talaga mamaya ‘pag tatawagin na siya ng korte upang ibigay ang kanyang testimonya ukol sa kung anong alam niya doon sa kaso," sabi ni Estrada sa isang panayam.

"Kung halimbawa, papasa siya doon sa mga requirements. Isa pala sa additional requirements doon is hindi siya ‘yung pinaka-guilty, he’s not the most guilty sa mga akusado at hindi pa siya convicted ng crime involving moral turpitude kasi that would mean na maaaring siya ma-acquit kahit na aaminin niya [na] meron siyang kasalanang ginawa pero dahil siya ay 'least guilty' at may ituturo siya na mas guilty doon sa crime at ang testimonya niya lang ang maaaring makapag-prove," banggit nito.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Nilinaw din nito na maaari ring maghain ng mosyon sa hukuman ang pamilya ni Mabasa upang humiling ng independent autopsy sa bangkay ng unang umano'y "middleman" na si Crisanto Villamor, Jr..

“Whether on not ma-ga-grant ng korte ay nasa discretion po ‘yun ng korte if it’s really essential doon sa kaso na pending,” aniya.

Kamakailan, lumabas sa paunang awtopsiya ngNational Bureau of Investigation (NBI) na walang tama ng bala at anumang external physical injury sa labi ni Villamor.

Si Villamor ay namatay sa National Bilibid Prison (NBP) Hospital matapos umanong "mawalan ng malay" habang nakapiit sa NBP.

Namatay si Villamor apat na oras matapos iharap sa publiko si Escorial kung saan sinabi nito na si Villamor ang nag-utos sa kanyang grupo na patayin si Mabasa.

Si Mabasa ay napatay matapos barilin sa loob ng kanyang kotse sa BF Resort Village sa Las Piñas nitong Oktubre 3.