"The mouth of the Filipino!"

Pinuna ng direktor na si Darryl Yap ang crew ng isang airline dahil daw sa pagiging maingay nito, ayon sa kaniyang latest Facebook post ngayong Linggo, Oktubre 23, 2022.

Ayon sa post ng direktor, dinig na dinig daw ang tsismisan ng mga crew na nakakaistorbo raw sa mga nais magpahinga habang nasa flight.

"Gusto ko lang malaman n'yo na hindi lang kami ng team ko ang walang tulog at gustong magpahinga kahit 50 mins lang ang flight mula Laoag hanggang Manila," ani Yap.

National

2 taga-Laguna na parehong nanalo sa magkahiwalay na Lotto 6/42 draw, kumubra na ng premyo

"Sa lakas ng mga bunganga n'yo magtsismisan, alam na namin ang mga pinagdaanan n'yo these past few days."

"Iniyak na lang ng baby sa tabi ang irita n'ya dahil di siya makatulog dahil napakaingay n'yo."

Screengrab mula sa FB ni Darryl Yap

Sa comment section ay agad namang humingi ng paumanhin ang airline.

"Hi, Darryl. Please allow us to extend a sincere apology if our service did not meet your expectation. We certainly have no intention to cause our passengers any disservice. Rest assured that your feedback will be brought to the attention of the office concerned for their information and proper handling. Thank you."

Screengrab mula sa FB ni Darryl Yap

Sa comment section ng post ay bumaha ng "patotoo" mula sa iba pang mga netizen sa kanilang karanasan sa pagsakay sa naturang airline.