Apektado ng red tide ang siyam na lugar sa Visayas at Mindanao, ayon sa ulat ngBureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)nitong Linggo.
Sa shellfish bulletin ng BFAR, ang mga sumusunod na lugar ay nakitaan ng paralytic shellfish poison (PSP) or toxic red tide: Coastal waters ng Milagros sa Masbate, Sapian Bay (Ivisan and Sapian) sa Capiz, coastal waters ng President Roxas sa Capiz, coastal waters ng Panay sa Capiz, coastal waters ng Pilar sa Capiz, coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol, Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur at Lianga Bay sa Surigao del Sur.
Gayunman, sinabi ng BFAR na ligtas pa ring kainin ang mga lamang-dagat na nahahango sa mga nasabing lugar, maliban lamang sa mga shellfish.
“Fish, squids, shrimps, and crabs are safe for human consumption provided that they are fresh and washed thoroughly, and internal organs such as gills and intestines are removed before cooking,” dagdag pa ng ahensya.