Ang beauty-queen-turned-actress na si Kylie Verzosa ang itinanghal na Philippine actress of the year ng Distinctive International Arab Festival Awards (DIAFA) 2022 kamakailan.
Sa isang Instagram post, binalikan ni Kylie ang naging pag-aalinlangan noon sa daring role para sa kauna-unahan niyang lead film.
“I was hesitant of accepting this Cannes Film Festival piece at first for my first lead film because it was such big shoes to fill and so out of character for me, but I’m a sucker for good material and always up for a challenge,” ani Kylie.
Kinilala ang sexy actress sa kaniyang natatanging at unang pagganap sa Viva film adaptation ng 2010 South Korean thriller na “The Housemaid” kasama sina Albert Martinez at Jaclyn Jose.
Sunod din pinasalamatan ng Viva actress ang Filipino community sa Dubai, gayundin ang kaniyang talent agency na Viva.
“This achievement is dedicated to all the hardworking Filipinos 🇵🇭 especially in UAE and Middle East - this is for you 🤍🇦🇪,” dagdag ni Kylie.
Nakatakdang dumalo si Kylie sa ikaanim na Red Carpet and Awards Ceremony ng DIAFA na gaganapin sa darating na Nobyembre 2 sa Dubai Creek Harbour Marina, United Arab Emirates.