Isa sa mga tumutol at nagbigay ng matinding reaksiyon hinggil sa isyu ng pagbabawal sa Korean dramas at dayuhang palabas sa Pilipinas ay ang aktres na si Bela Padilla, ayon sa kaniyang sunod-sunod na tweets tungkol dito.

Kasalukuyan umanong nasa South Korea si Bela at kasalukuyang nagsho-shooting ng isang Filipino film sa naturang bansa. Naobserbahan daw ni Bela ang pagkakaiba sa kung paano magtrabaho ang mga Koreano sa isang pelikula.

"Pinapanood ng mga Pilipino ang kdrama kasi ginagastusan at mataas ang production value ng mga palabas nila. I’m currently in South Korea shooting a Filipino film and the difference of how they work is inspiring," ayon sa tweet ni Bela.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

https://twitter.com/padillabela/status/1583295634488320000

"I’m saddened as a filmmaker in the Philippines that we don’t get the same support, funding or help from our government. Even the production costs, working hours, talent fees of writers, directors and everybody involved in making a film is too far for us to even compare."

https://twitter.com/padillabela/status/1583296679813738496

"I agree that if we level the playing field and if filmmakers in the Philippines are given the same respect and support, we definitely could create world class content too. Sadly that isn’t the case. But to ban certain programs because their doing better than us is such a petty move."

https://twitter.com/padillabela/status/1583296092724396034

Giit pa ni Bella, "Be happy for others and learn from their success."

"Kaya siguro tayo hindi masyadong umaasenso, pinupuna kasi natin ang mga taong masaya."

"Nakakahiya."

https://twitter.com/padillabela/status/1583296994638168064

Nag-ugat ito sa naging pahayag ni Senador Jinggoy Estrada tungkol sa konsiderasyon niyang ipa-ban ang Korean dramas at iba pang dayuhang palabas sa Pilipinas.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/19/sen-jinggoy-estrada-kinokonsiderang-ipa-ban-korean-dramas-sa-bansa/">https://balita.net.ph/2022/10/19/sen-jinggoy-estrada-kinokonsiderang-ipa-ban-korean-dramas-sa-bansa/

Kinabukasan, nilinaw ng senador na hindi naman niya ito gagawin; nasabi lamang niya ito "out of frustrations" dahil mas tinatangkilik pa raw ng mga Pilipino ang mga dayuhan kaysa sa mga lokal na likhang shows.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/20/sen-padilla-nagtataka-kung-bakit-mas-bet-ng-pinoy-viewers-ang-k-dramas-mas-pogi-naman-kami/">https://balita.net.ph/2022/10/20/sen-padilla-nagtataka-kung-bakit-mas-bet-ng-pinoy-viewers-ang-k-dramas-mas-pogi-naman-kami/

Para naman kay Senador Robinhood "Robin" Padilla, naguguluhan siya kung bakit mas pinapanood ang mga aktor na taga-South Korea kaysa sa mga Pilipino, gayong "mas pogi" naman daw sila.