Inaasahang lalabas na ng Pilipinas ang bagyong Obet nitong Sabado ng gabi, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Sinabi ng PAGASA, hindi na ito makaaapekto sa alinmang bahagi ng bansa.
Huling namataan ang bagyo 240 kilometro kanluran ng Basco, Batanes.
Kumikilos ito pa-kanluran sa bilis na 20 kilometer per hour at may dalang lakas ng hanging 45 kph at bugsong na 55 kph.
Dahil dito, inalis na ng PAGASA ang lahat ng babala ng bagyo.Gayunman, sinabi ng ahensya na ipinaiiral pa rin ang marine gale warning sa karagatang bahagi ng northern Luzon dahil na rin sa northeast monsoon at sama ng panahon.
ReplyForward