Patok na patok ngayon sa mga manonood at netizen ang historical drama ng GMA Network na "Maria Clara at Ibarra" na napapanood sa GMA Telebabad mula Lunes hanggang Biyernes ng gabi, na pinagbibidahan nina Barbie Forteza, Dennis Trillo, at Julie Anne San Jose.

Halaw ito sa walang kamatayang unang nobela ni Dr. Jose Rizal na "Noli Me Tangere" na siyang nagmulat sa mga Pilipino sa tunay na kalagayang panlipunan noong panahon ng pananakop ng mga Espanyol sa bansa.

Dahil hit at trending ito, naging laman ng social media platforms ang naturang palabas. Marami rin ang memes na ginawa ng mga netizen kaugnay nito. Ibinabahagi sa TikTok ang bilang video clips mula rito.

Speaking of TikTok, usap-usapan ngayon ang screengrab ng naging usapan ng mga netizen kung saan tila confused ang ilan sa katauhan ni Crisostomo Ibarra, ang pangunahing tauhan sa Noli at serye.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Saad ng isang netizen, "Si Ibarra at Rizal ay magka-same person!"

Sinagot naman siya ng isang netizen subalit tila mali rin ang nasabi nito.

"Totoo pong pangalan ni Jose Rizal ay Crisostomo Ibarra."

Isang netizen naman ang nagulat sa sagot na ito at ibinigay ang kompletong pangalan ng pambansang bayani.

Screengrab mula sa TikTok via James Yadao/FB page na Main Pop Girls Stanposting

Marami sa mga netizen ang nalulungkot dahil tila pababa na raw talaga ang nalalaman ng kabataan ngayon patungkol sa kasaysayan at panitikang Pilipino.

"Ok sa lahat ng mga bata dito, Ibarra is fictional base kay Rizal. Rizal put himself kay Ibarra."

"Si Crisostomo Ibarra ay isang fictional character lamang sa nobela ni Rizal na Noli Me Tangere."

"Di alam yung pagkakaiba ng Nobela sa Talambuhay."

"Someone's not listening to the Filipino classes."

Naungkat pa ng mga netizen ang isyu ng "MAJOHA" na sagot ng isang housemate sa pa-history quiz ng reality show na "Pinoy Big Brother: Teen Edition" sa nagdaang season nito.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/11/slex-at-gomburza-trending-dahil-sa-pbb-mga-netizen-nanawagan-sa-deped/">https://balita.net.ph/2022/04/11/slex-at-gomburza-trending-dahil-sa-pbb-mga-netizen-nanawagan-sa-deped/

Ang Noli Me Tangere ay kasama sa kurikulum ng asignaturang Filipino, na pinag-aaralan naman sa Grade 9. Pagdating ng Grade 10, pinag-aaralan naman ang El Filibustersimo na likha rin ni Rizal, at sequel naman ng Noli.