Wala umanong nakitang tama ng bala ng baril o anumang external physical injury sa bangkay ng namatay na umano'y "middleman" sa pagpatay sa mamamahayag na si Percival "Percy Lapid" Mabasa, ayon sa National Bureau of Investigation (NBI).

"The heart showed a hemorrhagic area over the left ventricle. The mitral valve is sclerotic, which could indicate previous illnesses or valvular infection,” ayon sa inilabas memorandum ni NBI medico-legal officer Marivic Villarin-Floro kung saan tinukoy ang naging findings ng kanilang awtopsiyasa bangkay ni Jun Globa Villamor.

Si Villarin-Floro ang namumuno sa Task Force Villamor.

Naiulat na kinunan ng tissue samples ang labi ni Villamor para isailaim sahistopathology at general toxicology tests.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Matatandaang dead on arrival sa National Bilibid Hospital si Villamor nitong Oktubre 18, dakong 2:05 ng hapon matapos umanong "mawalan ng malay" habang nakakulong sa nasabing maximum security compound, batay na rin sa pahayag niBureau of Corrections (BuCor) spokesperson GabrielChaclag.

Sinabi ng NBI na "unremarkable" ang kanilang findings matapos masuri ang leeg ni Villamor at internarnal structures nito.

Negatibo rin sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) si Villamor matapos isailalim sa rapid antigen test, ayon sa NBI.

Isinailalim din ito sa paraffin test kung saan naging negatibo ang resulta nito.

Sa pahayag naman ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla, hindi muna nila isinasantabi ang anggulongnagkaroon ng foul play sa pagkamatay ni Villamor.

Aniya, kokonsultahin nila ang mga doktor na siyang maaaring makasagot sa usapin.

Si Villamor ay itinuturo ng self-confessed gunman na si Joel Escorial na "middleman" o nag-utos sa kanilang grupo na patayin si Mabasa sa BF Resort Village sa Las Piñas City noong Oktubre 3.

Namatay si Villamor apat na oras matapos iharap sa publiko si Escorial nitong Oktubre 18.