Maliban sa tumataginting na multa, mahaharap sa mabigat na pagkakakulong ang sinumang mahuhuling gumagamit ng salamangka, o anumang paraan ng pangungulam sa layuning maglagay sa peligro o manakit ng kapwa.

Ito ang muli’t muling paalala at abiso ng Public Prosecution ng United Arab Emirates sa gawaing labag sa Islamic (Sharia) law ng bansa.

“Whoever commits for exploitation or harm of others an act of illusion, sorcery, or quackery, whether in fact or by deceit, with or without consideration, shall be sentenced to imprisonment and fined a monetary penalty of not less than Dh50,000,” mababasa sa kamakailang paalala ng tanggapan ng Public Prosecution ayon sa Article 366 of the Federal Decree-Law No.31 of 2021.

Sa ulat ng Khaleej Times, saklaw ng nasabing batas ang mga sumusunod:

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

  • Pagkilos, pagsasabi ng mga salita, o paggamit ng hindi lehitimo o hindi katanggap-tanggap na paraan o pamamaraan na makaaapekto sa katawan, puso, isip, o kalooban ng ibang tao, direkta man o direkta, sa reyalidad o bilang isang imahinasyon.
  • Panlilinlang sa mga mata ng mga tao o ang pagkontrol sa kanilang mga pandama o puso sa anumang paraan upang ipakita sa kanila ang isang bagay na taliwas sa katotohanan nito, para sa layunin ng pagsasamantala sa kanila o o pag-impluwensya sa kanilang mga isipan o paniniwala.

Ang mga sumusunod na kategorya ay maaaring parusahan ng sentensiya ng pagkakulong at/o multa:

  • Sinumang tao na humihingi ng tulong sa isang mangkukulam na may layuning maimpluwensyahan ang katawan, puso, isip o kalooban ng ibang tao.
  • Nagdadala o nag-aangkat sa bansa ng aklat, anting-anting, materyales o kasangkapan na gagamitin para sa pangkukulam. 
  • Sinumang naghihikayat, sa anumang pamamaraan, ng salamangka o pangkukulam.