May tweet ang award-winning actress-writer na si Bela Padilla sa mga taong walang ginawa kundi ang mamuna at magsabi ng mga di-magagandang bagay sa isang tao, lalo na kung ito ay nagtatamasa ng kaniyang tagumpay o kasiyahan.
Ayon sa kaniyang tweet nitong Biyernes, Oktubre 21, "Be happy for others and learn from their success."
"Kaya siguro tayo hindi masyadong umaasenso, pinupuna kasi natin ang mga taong masaya."
"Nakakahiya."
Kaiugnay ito sa isyu ng pagkonsiderang banning sa Korean dramas at iba pang mga foreign shows sa Pilipinas, batay sa naganap na budget hearing ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) noong Martes, Oktubre 18, 2022.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/22/petty-move-bela-padilla-tutol-sa-isyu-ng-pagpapa-ban-sa-k-dramas-foreign-shows-sa-pilipinas/">https://balita.net.ph/2022/10/22/petty-move-bela-padilla-tutol-sa-isyu-ng-pagpapa-ban-sa-k-dramas-foreign-shows-sa-pilipinas/
Naging sunod-sunod ang mga tweets ni Bela tungkol dito.
Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng mga netizen:
"Buti pa si Atty Leni, mas na-inspired at gustong gawin modelo ang South Korea pagdating sa entertainment industry. Hindi dapat i-ban ang solution… I-improve kung ano ang kakulangan natin at malaki doon ang suporta ng gobyerno mismo… Hindi isisisi sa tagumpay ng iba o sa taong-bayan."
"I love your work Bela but can you please say that to that Padilla in the Senate?"
"Totoo nakakahiya talaga. I hope di na to mabalita pa sa S. Korea. Pag napick-up pa to ng news sa aknila. Sobrang nakakahiya."
"True talaga. Wag nang mandamay ng iba pa. Yan ang hirap sa atin problema natin doon pa natin i-blame sa iba. Kaya umasenso sila kasi todo-support sila kapwa nila eh tayo kung sino malakas, doon tayo, bahala na ang iba."
Nag-ugat ito sa naging pahayag ni Senador Jinggoy Estrada tungkol sa konsiderasyon niyang ipa-ban ang Korean dramas at iba pang dayuhang palabas sa Pilipinas.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/19/sen-jinggoy-estrada-kinokonsiderang-ipa-ban-korean-dramas-sa-bansa/">https://balita.net.ph/2022/10/19/sen-jinggoy-estrada-kinokonsiderang-ipa-ban-korean-dramas-sa-bansa/
Kinabukasan, nilinaw ng senador na hindi naman niya ito gagawin; nasabi lamang niya ito "out of frustrations" dahil mas tinatangkilik pa raw ng mga Pilipino ang mga dayuhan kaysa sa mga lokal na likhang shows.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/20/sen-padilla-nagtataka-kung-bakit-mas-bet-ng-pinoy-viewers-ang-k-dramas-mas-pogi-naman-kami/">https://balita.net.ph/2022/10/20/sen-padilla-nagtataka-kung-bakit-mas-bet-ng-pinoy-viewers-ang-k-dramas-mas-pogi-naman-kami/
Para naman kay Senador Robinhood "Robin" Padilla, naguguluhan siya kung bakit mas pinapanood ang mga aktor na taga-South Korea kaysa sa mga Pilipino, gayong "mas pogi" naman daw sila.